Altamirano’s Love Contract
Chapter 7: His eyes

PAGKATAPOS ng napakahabang araw ay tumambay muna si Sunny sa campus field dahil ayaw niya pang umuwi. Pinauna niya na si Jekka na mukhang hindi pa naman uuwi at may pupuntahan pa kung saan. Gusto niya munang damhin ang sariwang simoy ng hangin sa kahapunan at makapagpahinga ng saglit. Umupo siya sa luntiang damuhan habang tinitingnan ang dahan-dahang paglubong ng araw. Hindi naman siya napagod ngayong araw dahil sa opening ng sports fest pero napagod siya ka-che-cheer sa mga kaibigang sumali. Hindi rin gaanong nagturo ang mga guro nila dahil napakaingay ng buong campus. Nagbigay lang ng homework at activities ang mga ito. Ramdam na ramdam niya na ang lahat ay excited sa sports fest. “Sunny!”. Mabilis niyang nilingon ang lalaking tumawag sa kanyang pangalan. Napangiti siya dahil kinawayan siya ng binatang iyon habang naglalakad sa malayo. Marinig niya lang na tinatawag siya nito ay naaalis na agad ang pagod niya. “Jan Karl!” sigaw niya. Kahit nakaupo ay nag-effort talaga siya na kawayan ito nang bonggang-bongga. Tila katatapos lang ng practice game ng mga ito dahil kasama na nila ang ka-team sa volleyball. Ibang-iba talaga siya kapag nasisilayan niya ang number one sa kanyang listahan—ang ultimate at first crush niyang si Jan Karl Altamirano. Tila napalis ang lahat ng inis niyang naipon simula kaninang umaga. “Hindi ‘yan pupunta rito. ” Binato siya ni Rallion ng nilamukos na papel mula sa likuran. Hindi naman masakit iyon pero pumalatak ang dalaga nang marinig niya ang boses nito. Hindi siya umimik. Kaninang lunch time ay at peace silang dalawa dahil pinagtanggol nila si Jan Karl sa mga basher nito. Sinundan niya ng tingin sina Jan Karl hanggang sa makapunta ang mga ito sa cafeteria. Hindi naalis sa kanyang labi ang malapad na ngiti. “Bakit ba kasi hindi mo siya yayain sa prom?” tanong nito habang dahan-dahan na umupo sa tabi niya. Muli niya pang naramdaman ang paghampas ng hangin. Mabuti na lang, dala niya ang scarf na niregalo sa kanya noon at ipinatong iyon sa kanyang hita upang mabalutan ito. Napairap siya sa hangin. “Sa palagay mo, may balak ako? At saka, bakit ako ang magyayaya? Kababae kong tao, eh. Ngumisi ang binata kasabay ang pag-iling. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay nagsasagutan sila nito
Maraming beses lang. May mga araw rin naman na kapag napapansin ni Rallion na tahimik si Sunny, hindi niya ito gagambalain. Hindi naman siya ganoon kagrabeng tao. Gustong-gusto niya lang talaga na naiirapan siya o tinataasan niya ng kilay ng dalaga. Nakaka-challenge kasi para sa kanya ang ugali nito. “Pupunta ka ba bukas?” tanong niya kay Sunny. “Pupunta lang ako sa game ng pinsan mo. ” Muli niya itong sinungitan at saka tumayo. Nag -inat-inat muna siya bago kinuha ang bag. Nagulat si Sunny nang biglang ilahad ni Rallion an g kamay nito sa kanya. Alam niya ang ibig sabihin noon—nakikisuyo itong itayo siya ni Sunny. “Ah, sige. ” Tumango ang dalaga. Nakaisip siya ng isang ganti para sa lahat ng pang-aalas kang natamo niya sa binata mula kaninang umaga. Hinila niya nang buong lakas ang kamay nito ngunit dahil digital na ang karma, nakaapak siya ng is ang bato na nagpawala sa kanyang balanse. Abot-abot ang kanyang kaba ngunit maagap siyang hinila ni Ral lion pabalik—palapit sa binata. Hinapit siya nito sa baywang para hindi siya tuluyang bumagsak sa lupa. Nakita niya na ang eksenang ito sa mga KD rama na napapanood niya pero hindi niya alam n a ganito pala iyon ka-intense sa totoong buhay. Ang kamay niyang kanina’y nakahawak sa palapulsuhan nito ay nakakapit na ngayon sa balikat nito. Dahil sa pagkabigla, parehong nanlaki ang mga mata nila nang magtama. Tila ba nahinto ang pag-inog ng kanilang kap aligiran. Ang naririnig na lang nilang dalawa ay ang malakas at sabay na bilis ng tibok ng kanilang mga puso. Damang-dama nilang dalawa ang mainit na paghinga ng isa’t isa kahit na ilang pulgada pa ang layo ng k anilang mga mukha. Dumadampi ang hiningang iyon sa kanyan pisngi. Ngayon niya nalaman na kaunti lang ang diperensya ng tangkad nilang dalawa. Siguro’y lamang lang ng isa’t kalahating dangkal sa kanya si Rallion. Shit! Sunny, aba, galaw-galaw! . Alam niyang nanlalamig na ang kanyang mga kamay at paa. Unti-unti siy ang nahihipnotismo. Para bang may bumubulong sa kanya na pagkatitigan ang mapupulang labi ng binata at awtomatiko niyang nasunod kung sino man ‘yon. “Karma…” Narinig niyang namutawi sa bibig nito kaya na itulak niya si Rallion palayo
Lord, pa mura nga. Isa lang talaga! . Sisigawan niya sana ito ngunit naunahan siya nit ong magpaalam, “Ciao!” Kinindatan siya nito at ngumiti . Sumaludo pa ito sa kanya at saka naglakad na palayo. Naiwan siyang parang timang sa field. Napapadyak pa siya sa inis habag nakahawak s a kanyang dibdib na mabilis pa rin ang pagtibok hanggang ngayon. Ramdam niya na umakyat sa kanyang ulo ang dugo sa katawan dahil sa pinaghalong inis at pagkalito sa nangyari. Aminin man niya o hindi, hindi tumibok ng ganoon kabilis ang pu so niya kapag nakikita niya si Jan Karl. Kahit man nakakausap niya i to at nagkakatinginan sila, hindi ganito ang naging pakiramdam niya. Inayos niya ang bag na nakasukbit na kanina sa balikat niya ngunit nalaglag dahil s a plano niyang naging disaster. Ilang beses siyang huminga nang malalim bago nagsimula s a paglalakad patungo sa gate ng campus. Napapapailing pa siya kasabay ang pagsapo sa noo. Hindi niya maitatanggi na isa i to sa mga hindi niya makakalimutang pangyayari sa high school life niya. Bago pa man sila magkitang muli ng binata ay agad na siyang sumakay ng tricycle. M ukhang kailangan niya nang magpahinga dahil napakarami nang nangyari ngayong araw na it o. Napasandal siya sa upuan at muling bumuga ng hangin. But that feeling is so surreal. Pero napailing siya agad. Hindi pwede, Sunny. Sa dinami-rami, s a kanya pa? Eh, halos buong buhay n’yong d alawa, eh asaran na ang love language n’yo— . “Pusang gala. Pagod lang talaga ako. ” Mar ahan niya pang tinapik ang magkabilang pisngi a t niyugyog ang sarili. “Nababaliw na yata ako. Pero kahit na ano’ng gawin niya, bumabalik pa rin at unlimited na nag-re-replay sa kanyang isipan ang nangyari kanina. Ang malambot at ma pulang labi na ‘yon…ang mainit na hininga nito at ang matangos na ilong— . “Pusang gala!” Napatili siya nang biglang pumreno ang tricycle na sinasakyan niya. “Pasensya na. Biglang dumaan ‘yong kotse,” saad sa kanya ng dri ver habang umaayos siya sa pag-upo. “Okay lang po, kuya. Ba ka sakali rin na matauhan ak o kung naumpog ‘yong ulo ko…”