Altamirano’s Love Contract
Kabanata 2: Kidnapped

NAHIRAPAN sina Noy na dalhin si Alexis sa isang bakanteng bahay na nasa loob ng eskinita. Hindi naman siya makapagreklamo dahil ito ang iniutos sa kanya. “Wala munang gagalaw sa kanya hangga’t wala pa ulit na sinasabi si Bossing. Naiintindihan n’yo?” aniya. Nagsipagtanguan ang dalawa pang kasama niya. Inupo nila sa isang kahoy na upuan si Alexis habang wala pa itong malay. Tinali nila ang dalawang kamay nito at saka ipinulupot ang katawan sa sandalan ng upuan. Kahit ang mga paa nitong itinali rin nila. Kasama ni Noy sina Junny at Noli na tumulong sa kanya upang makuha ang lalaki. Bakas sa mukha ng mga ito ang nerbyos at kaba habang nakaupo sa isang mahaba at kahoy na upuan. Narito sila ngayon sa isang bakanteng bahay kung saan sila magkikita ng lalaking nag-utos sa kanila upang dakpin si Alexis. “Hindi ba kayo nagtataka kung bakit ganito na ang pinagagawa sa atin ni Boss?” basag-katahimikan ni Noli. Kanina pa niya napapansin ang panginginig ng mga nakadaop na palad nito. Isang taon na silang nagtatrabaho sa lalaking tinatawag nilang “Boss”. Sa isang taon na ‘yon ay wala silang ibang ginagawa kundi sundin ang inuutos nitong magmanman at mangalap ng impormasyon tungkol sa mga taong mayroong atraso sa lalaki. Iyon lang ang gagawin nila, walang labis, walang kulang. Ngunit nitong mga nakaraang linggo, napapansin nila ang pagiging magagalitin nito at pag-uutos ng mga bagay na hindi na akma sa dapat ay ginagawa nila—katulad nito. Kilalang-kilala siya ni Alexis. Paniguradong ma-di-disappoint ito kung sakali man na malaman nitong isa siya sa mga dumakip sa lalaki. Hindi niya rin alam kung ano ang isasagot kay Noli. Ayaw niyang masangkot sa ano mang krimen. Ayaw niyang mahuli ng mga pulis dahil may anak siya at asawang hindi niya pwedeng iwan. Kahit siya ay nainis ngunit hindi pwedeng hindi nila sundin ang utos nito dahil nakapagbigay na ang lalaki ng napakalaking pera na paghahati-hatian nila—at nagamit na nila iyon bago pa man mangyari ang lahat ng ito. Pakiramdam niya ay naloko sila. Nagsisisi siyang hindi muna niya tinanong kung ano ang magiging lakad nila. Napasuklay siya ng buhok. “Pasensya na kayo, ha? Hindi ko naman alam na ganito ang gagawin natin. Labag din sa loob kong gawin ‘to. Napakabuti ni Sir Alexis at hindi ko kayang gawin sa kanya ang ganitong bagay. “Kanina nga lang na nasa labas tayo, hindi ako makatingin sa mga tao. Natatakot ako na baka biglang may dumating na pulis tapos mahuli tayo. Noy, alam mo naman na may sakit ang nanay ko. Hindi ako pwedeng mahiwalay sa kanya,” pahayag naman ni Junny. “N-naiintindihan ko kayo dahil may pamilya rin ako. Ayoko rin na mahiwalay sa kanila. May tiwala ako kay Boss na hindi naman niya tayo ipapahamak. Nanahimik sila at naghintay. Kanina niya pa rin tinatawagan ang lalaki ngunit hindi ito sumasagot kaya kinakabahan na siya. “Wala pa rin?” tanong ni Noli sa kanya. Nakaabang rin si Junny sa sagot ngunit umiling siya. “Hindi naman niya tayo sini-set up, hindi ba?” tanong pa ni Noli. “Hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa kanya. Napalingon sila kay Alexis nang makarinig sila ng kaluskos. Mukhang nagising na ito mula sa pagkakahimatay nito. “G-gising na siya,” kinakabahang bulong ni Junny. “Huwag na lang tayong maingay…”
“S-SINO kayo?!” Maliban sa kulay itim, wala nang iba pang makita si Alexis. Nahirapan din siyang huminga dahil sa isang bagay na nakabalot sa kanyang mukha. Ramdam niya rin ang higpit ng pagkakatali sa kanyang mga paa at kamay—kahit pa sa may bandang tiyan. Ngalay ang leeg niya. Masakit ang katawan at mayroon pa siyang naaamoy na kaunti sa panyong inilagay sa kanyang ilong. Takot na takot siya. pawis na pawis din. Ni hindi makagal aw at walang palag kung sakali mang bigla siyang bigyan ng isan g suntok ng kung sino man ang mga kasama niya sa lugar na iyon. “P-pakiusap…nakikiusap ako. Pakawalan n’yo na ako. Baka hinahanap na ako ng anak ko. Nangako ako na susunduin ko siya sa school. Please , kung sino man kayo…” Humina ang boses niya. “…pakawalan n’yo na ako. Nagkatinginan ang tatlong lalaki. Alam ni Noy n a malaking pagkakamali itong ginagawa nila pero ayaw niya naman na mayari sa lalaking nag-utos sa kanila. Tumikhim siya bago nagsalita. Hindi niya na muna iisipi n kung mabosesan man siya nito o hindi. Ang kailangan niya n gayon ay maniwala si Alexis na hindi nila ito kayang saktan. “P-pasensya ka na pero wala naman talaga kaming gustong gawin na masama laban sa ‘yo. Napag-utusan lang kami na gawin ‘yan. Pangako. Hindi ka namin ulit hahawa kan hangga’t wala pa si Boss dahil ‘yon ang bilin niya,” kinakabahan niyang turan. “H-hindi ka namin sasak tan. Napag-utusan lang talag a kami…” segunda pa ni Junny. “K-kung ganoon, sino ang nag-utos s a inyo?” tanong nito. Muling nagtagpo ang mga tingin nila. Umiling si Noy. Iyon ang hindi dapat malam an ng lalaki dahil kung sakali man, doon sila mapapatay ni Boss. Sinabi nito sa kani la na wala dapat makakaalam kung sino siya. Kailangan nilang maging tapat sa lalaki. “H-hindi namin pwedeng sabihin sa ‘ yo kungs sino siya. Panigurado naman na magkikita rin kayo mamaya,” tugon ni Noy. “Sigurado bang pupunta siya?” bulong pa sa kanya ni Noli. “Hindi ko rin alam . Hindi pa rin siya tum atawag hanggang ngayon. Napas apo sa noo sina Noy. “Please, pakawalan n’yo na ako. Wala akong perang dala kung pera ang hanap ninyo sa akin. Hindi rin naman ako ganoon kayaman. Nakikiusap ako, kahit na tanggalin n’yo n a lang muna itong nasa ulo ko para makahinga ako nang maayos,” pakikiusap pa ni Alexis. “Hindi namin pwedeng ga win ‘yan. Manahimik ka na la ng muna riyan at maghintay. Tumayo si Noli at muling tumipa sa cellphone. Kailangan niya muli ng tawagan ang lalaki. Ngayon lang sila nito pinaghintay ng ganito kat agal kaya kinakabahan na siya
Muli, bigo siya. Hindi na ito sumasagot. Tahimik siyang naupo. Gustong-gusto n iya nang pakawalan ang lalaki ngunit baka bigla namang dumating ang hinihintay nila. “Noli, pakawalan na natin siya. Sa totoo lang, mas gugsutuhin ko pa na m abugbog ni Bossing kaysa maghintay rito sa wala. Iba ang pakiramdam ko sa pla no niyang ito. Pakiramdam ko, sini-set up niya tayo,” sulsol ni Noy sa kanya. Napabuntong-hininga siya. ngunit bago pa man siya nakapagdesisyon, narinig na nila ang alingawngaw ng sire na. Hindi iyon galing sa mga bumbero kundi sa mga pulis. “Pare, p ulis ‘yon! Tum akas na tayo!” . “A-ano’ng nangyayari?!” Nag-panic si Alexis dahil wala pa rin siyang makita hanggang ngayon. Gusto niyag gumalaw-galaw ngunit hinahadlangan ito ng mga tali na nagpapahirap sa kanya. “Paano ‘to?” tano ng ni Junny. “Hayaan mo na ‘yan! Tara na! Muk hang na-set up nga tayo!” saad ni Nol i na nagmamadaling buksan ang pintuan. Gustuhin man ni Noy na kalagan ang la laki, hindi niya ito magawa dahil ang kali gtasan nila ang mas uunahin niya sa ngayon. Pat awad, Si r Alexis… . Dinig na dinig nila ang pagsigaw nito habang lum alabas sila sa kalsada. May nakasalubong pa silang lal aki sa eskinita kanina na nakipasiksikan pa sa kanila. “T-teka…” Huminto si Noli sa paglalakad. “Bakit?” tanong nina Junny at Noy. Agad nitong inilabas ang isang baril at itintutok s a kanilang dalawa. Bakas ang gulat sa mga mata ng mga it o matapos ang awtomatikong pagtaas ng kanilang mga kamay. “N-Nol i, ano’ng n angyayari?” . Itinutok nito kay Noy ang baril. “Pasensya na. napag-utusan lang. Tumama ang dalawang bala ng baril sa dibdib at likod ni Noy h abang sa tiyan at ulo naman ang kay Junny. Nag-uunahan ang mga ito na bumagsak sa lupa habang umaagos ang pinaghalong dugo ng dalawa. “Boss! Nagawa ko na ang pinapa gawa mo,” ngingiti-ngiting sigaw ni Noli habang nililingon ang paligid. Mayamaya pa’y nakita n iya na ang anino ng lalakin g kanina niya pa hinihintay. “Salamat, Noli. ” Headshot ang tinamo ng lalaki ikinaluhod nito. Umuusok pa ang nguso ng bari l na ginami ng hindi kilalang lal aki. May mga kasama itong tauhan. “Kunin n’yo na roon sa loob . Bilisan n’yo!” . Agad nagsipagkilos ang mga ito at tumakbo sa loob ng eskinita. Buka s na ang pinto at wala na roon si Alexis. Ang mga taling ginamit sa lala ki ay nakalaylay na sa upuan kahit na ang inilagay na supot sa ulo nito. “Sir…” tawag ng isa sa mga lalaking naroon h abang nakasuot ng earpod. “Ano ‘yon?” . “Wala po si Sir A lexis dito. Malutong na mura ang narinig ng lahat m ula sa kabilang linya. “Hindi mo ako matatakasan, Alexis…” sabi p a ng lalaki bago nila lisanin ang lugar na iyon at iwan ang tatlong bangkay sa gitna ng kalsada