อ่านนิยายออนไลน์ทั้งหมดฟรีที่นี่

Altamirano’s Love Contract

Chapter 6: The Class este—Clash!

sprite

KUNTODO ang pagkalabit ni Jekka kay Sunny nang mahinto sila sa may pedestrian lane. Napakarami na nilang estudyante na kasabay lalo na ‘yong mga binababa galing sa magagarang sasakyan. Mayayaman ang mga kaklase nila sa St. Montecarlo at napakaswerte lang nila ni Sunny dahil nakatagpo sila ng mga taong nag-offer sa kanila ng scholarship. “Ano ba ‘yon?!” iritableng tugon ni Sunny sa kanya. Mayroon kasi siyang hinahanap sa bag na hindi niya na malaman kung nandoon ba o wala—ang maliit niyang diary na lahat ng mga taong nagugustuhan niya ay naroon. “Hindi ba si Jan Michael ‘yon ng section C?” tanong sa kanya ni Jekka kasabay ang pagnguso. Nahagip ng paningin niya ang isang binatang kalalabas lang ng isang itim na Ford. “Oo. Siya nga. Ang pogi, ‘no?”. “Ang yaman pa,” segunda nito. “Pang-lima ‘yan sa listahan ko, eh. Napaarko ang kilay ni Jekka. Ngayon niya lang nalaman ang tungkol sa palistahan nito. Natawa tuloy siya. “Listahan? Hindi ko alam na may paandar kang ganyan. My God! Gaano ba karami ang mga nagugustuhan mo sa St. Montecarlo? Ang dami mong gusto pero wala naman silang interest sa ‘yo!” pang-aasar pa nito. “Excuse me. ” Tumaas din ang kilay ni Sunny bilang pagganti. “Sa napakaraming lalaki na nasa listahan ko…”. “Oh, ano?”. “…alam ko naman na hanggang titig lang ako kaya manahimik ka na, pwede? Alam kong wala ako sa kalingkingan ng mga magagandang babae sa St. Montecarlo kaya nga tahimik lang akong nagkakagusto sa kanila. Sa utak nga, alanganin ako, eh. Sa ganda pa kaya?”. Pumalatak silang dalawa ng tawa. “Tama! Ako rin naman. Buti na lang honest tayong dalawa. At least, plus points sa langit ‘yon. ” Nag-appear pa silang dalawa habang tumatawid. Nang makapasok sa loob ng campus ay agad silang kumaripas ng takbo patungo sa kanilang silid. Nasa first floor lang naman ito ngunit nasa dulo pa ng hallway kaya bago pa man sila abutan ng bell, kailangan nilang magmadali. “Sinasabi ko sa ‘yo, Sunny. Kapag talagang naabutan tayo ng bell at nandoon na si Ma’am sa room, hindi talaga kita pakokopyahin sa Physics. Kumpyansa siyang nagkibit-balikat. “Sorry pero nag-review naman ako kaya ayos lang. Nakahinga sila nang maluwag nang dumating sa loob ng classroom nang wala pa ang subject teacher nila. Magulo ang mga kaklase nilang naroon. Maingay rin dahil hindi naman laat ng mga estudyante ay tahimik kung mag-review. Agad silang naupo at kinuha ang notebook sa unang subject. “Review sila nang review tapos hindi naman pala long test ngayon,” biro ni Jekka pero kinakabahan itong nagbabasa at dasal pa siya nang dasal na wala sanang long test na matuloy ngayong araw

“Hoy. Baka magdilang-anghel ka. Ano’ng oras na ako nakatulog para mag-review kaya manahimik ka riyan. Napahinto silang lahat nang marinig ang pagtunog ng seradura. “Huwag pa sana si Ma’am ‘yan, Diyos ko!” usal ni Jekka at saka nag-sign of the cross. Kahit siya man ay kinabahan kung sino ang papasok sa loob. Hindi niya namamalayan ay nakikiusal na rin siya sa panalangin ng kaibigan kahit na nag-aral naman siya kagabi. Pumasok ang isang binatang nakasuot ng pulang backpack. Nakatingin ito sa lah at ng kanyang mga kaklase at saka natawa. “Akala n’y o si Ma’am, ano ?” sabi pa nito. “Buti na lang si R allion ‘yong niluwa ng pinto. Thank you, Lord!” . Kahit siya ay nabunutan ng tinik pero dahil nakita niya na naman ang lalaking ito ngayong umaga, sira na naman ang araw niya. “Hindi ba pwedeng afte r lunch na si Rallion pumas ok?” tanong niya sa katabi. “Grabe ka naman doon sa tao. Wala pa ngang gin awa sa ‘yo, ganyan ka na. “Crush mo ba? Kanina mo pa pinagtatanggol napapansin ko. Kung oo ang sagot mo, wala ka talagang taste sa mga lalaki. ” Umirap pa siya. “Alam mo, napapansin ko na ikaw lang ang ga nyan sa kanya tapos ikaw lang din ang inaasar ni ya. Hindi kaya meant to be talaga kayong dalawa?” . “Kilabutan ka nga riyan sa sinasa bi mo. Malala ka na. ” Napailing pa siya habang naglilipat ng page ng notebook. “Good morning, Sunny!” ba ti ni Rallion sa kanya na nakau po sa tapat ng kinauupuan niya. “Ano’ng maganda para sa ‘yo nga yong araw kung ganito kaaga mo akong aalaskahin?” Tumaas ang kilay niya. “Sama ng loob ba ang inalmusal mo? O, letson? Ang aga mong ma-hig hblood eh, binati lang naman kita. “Pwede bang humarap ka na roon? Nakaka-distract k a. Nag-re-review kami. ” Itinuon niya na ang atensyon sa notebook at hindi na sinumpungan ng tingin ang binate. “Nakaka-dis tract kasi ang g wapo ko, ganoon?” . Halos masuka siya sa sinabi nito pero hindi na niya pinatulan dahil baka mamaya puro masasamang salita patungk ol kay Rallion ang masagot niya sa test paper. Mahirap na. “Guys!” Napatingin sila sa harapan . Humahangos ang class president nilang si Christine Joy na nakatayo sa aisle. “Say the magic word, Joy ,” bulong na pag-oorasyon ni Jekka with fingers crossed pa! . “Hindi pwedeng hindi mag-long q uiz ngayon. Nag-review ako, utang na loob!” kontra niya sa orasyon nito. “Hindi ba’ t start ng spor tsfest ngayon?” . Isang mahabang pagtunog ng bell ang sumagot s a tanong ng dalaga. Narinig ni Sunny ang pagsigaw ng “Yes!” ng mga kaklase niya kasabay ang pagtayo. “Sportsf est nga?!” si gaw ni Jekka. Tumango si Christine

“Nawala yata sa isip ni la pero mas maganda na rin na nakapag-review na ‘y ong iba. Ako nga nakapag-review na pero ayos lang…” . “A- anong ay os doon?” . Napansin ni Jekka ang pagkuyom ng mga palad ng kaibigan. Mabilis talaga itong map ikon sa bagay-bagay—hindi lang kay Rallion. “Alam mo, Sunny, y ou should relax,” banat pa ng binata sa kanya. “Nakakapag-relax lang ako kapag hindi kita nakikita kaya umalis ka na sa harapan ko bago pa magdilim ang paningin ko sa ‘yo. Natawa lang si Rallion. “Alam m o, hindi ka talaga magkakaroon agad ng lovelife kung ganyan ka kasungit. “Excuse me lang, ha? Hindi naman ganito ang uga li ko sa lahat para ko sabihin sa ‘yo. Natataon lang kasi na ikaw ang una kong nakikita kaya naiinis ako. “Sunny, tama na. Seryoso kang makikipagbangayan ka na lang kay Rallion buong araw?” . “Eh, siya naman nauna, e h!” atungal nitong parang bata na pinapagalitan ng magulang. “Lalabas na muna ako. Hayaan mo, baka m amaya may biglang duamting na teacher at magp a-quiz. Baka sakali na lumamig ‘yang ulo mo. “Gagi. Pinsan mo lang makakapagpalamig ng ulo nit o,” natatawang komento pa ni Jekka. Nahinto siya sa pa gtawa nang siya naman ang sinamaan ng tingin ni Sunny. “Nandiyan sila mamaya. Pero b ukas pa naman talaga ang start ng laro, eh. Sige na. Lalabas na ako. “Oh, ‘yong prince charming mo raw nandiyan mamaya. Baka naman pwedeng tigilan mo na ‘yang nakakamatay mong sama ng tingin sa amin. Baka imbis na si Rallion lang ang matuluyan eh, pati kami madamay. Napapadyak siya . “Paano ‘yong mga n i-review ko kagabi?” . “Okay lang ‘yan. Sa susunod kasi hayaan mong stock knowledge ang magsalba sa ‘yo sa exams. Mas effective ‘yon. ” Tinapik siya ni Jekka sa balikat at saka tumayo. “Oh, saan ka pupunta?” . “Maghahanap ng boylet. Ayaw mo naman sumama kaya kami na lang ni Christine. “T-teka. Ayokong mag-isa rito. ” Mabilis niyang inilagay ang mga gamit sa bag at tumayo. “Ang lagay ka yo lang?” . “Ang a rte mo kasi! Halika na!” . Sumunod siya sa dalawang nauuna sa pagl alakad. Hindi niya alam kung si Jekka, Rallio n, o ang araw na ito ang gusto niyang isumpa