อ่านนิยายออนไลน์ทั้งหมดฟรีที่นี่

Forever, My Love

Chapter 3

sprite

Day 1. “Paulina?!” Habol ang hiningang napabalikwas ng bangon si Roman. Napalunok siya nang makita niya ang paligid niya. Nakaharap siya sa malawak na karagatan. Nararamdaman niya ang pinong buhangin na kanyang inuupuan. “Paulina? Nasaan ka!” Nagpalinga-linga si Roman sa paligid ngunit wala siyang ibang makita kundi ang malawak na karagatan. Sa likuran niya ay ang pinong buhangin sa dalampasigan at isang gubat. Dahan-dahang tumayo si Roman at naglakad lakad. Napagtanto niyang nasa isa siyang isla at naisip niya na siguro ay dito siya inanod noong lumubog ang sinasakyan nilang lifeboat. ‘Pero nasaan si Paulina?’. Nakaramdam na ng takot si Roman dahil pakiramdam niya ay nalibot na niya ang buong isla ay hindi pa rin niya makita ang kanyang nobya. ‘Diyos ko po. Nasaan siya?’ naiiyak na niyang sabi sa kanyang isipan. Tirik na tirik na ang araw kaya at kumakalam na rin ang kanyang sikmura. “Tanghali na siguro,” aniya at nanghihinang umupo sa ilalim ng isang puno. Napakapit siya sa tiyan niyang kumakalam na. “I should find something to eat. ” He looks around and saw a familiar tree from his back. Dali-dali siyang pumunta puno ng buko at inakyat iyon. Maige na lang ay kahit papaano ay laking probinsya siya kaya marunong umakyat sa mga puno. Kumuha siya ng dalawang bunga ng buko at pagkatapos ay bumaba rin agad. Sunod ay naghanap siya ng matigas na kahoy o bato para mabuksan niya iyon. Pumasok siya sa gubat sa pagbabaka sakaling may makikitang pwede niyang magamit. Maraming iba't ibang puno ang andoon ngunit karamihan ay hindi niya alam. Wala rin siyang nakikitang mga hayop doon maliban sa mga ibon na palipat-lipat sa mga puno. Napagtanto niyang nasa isa siyang isla na walang kahit sino ang nakatira. Napabuntong hininga siya. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya tatagal dito. Ang kanya lamang hinihiling ay kung na saan man si Paulina ngayon ay ligtas ito. Umaasa siyang magkikita sila agad. Ilang sandali lang ay nakakita siya ng maliit na patulis na bato. Kinuha niya iyon at muling bumalik sa may dalampasigan. Hindi siya pwedeng maglagi sa gitna ng gubat dahil kapag mayroong mapadaang mga sasakyang pandagat ay madali siyang makikita. Ginamit niya ang batong kanyang nakuha para matanggal ang makapal na balat ng buko. Noong una ay nahirapan siya dahil sa matigas iyon. Pero noong mabutas iyon ng konti ay naging madali na sa kanya. Kinuha na niya ang pinaka pakay niyang bunga. Binutas niya iyon ng kaunti gamit ang bato saka ininom ang masarap na katas ng buko. “Ughhh! Refreshing!” he exclaimed. Napawis agad ang uhaw na kanina pa niya nararamdaman

Noong nangalahati na ang kanyang iniinom ay binuksan na niya ng malak i ang buko saka unti-unting kinain ang maputing laman na nasa loob. Noong naubos niya iyon ay naramdam na siya ng konting kabusug an. Minabuti niyang h'wag na munang buksan ang isang buko at magpahinga na munang muli sa ilalim ng punong kanyang pinupwestuhan. Mamaya na siya maglilibot-libot muli sa isla. Kailangan niyang makahanap ng mga bagay na pwede niyang ikabuhay habang andito siya. Inihiga niya ang pagod niyang katawan sa buhan gin at naniningkit ang mga matang tumingin sa langi t. Tirik na tirik kasi ang araw sa mga oras na iyon. “Where are you Paulina?” tanong ni ya sa kawalan. Tears immediately filled his eyes as he remembers what happened. They were supposed to go to safety, but misf ortune struck them. ‘Please, Paulina. be alive. I'm begging you,’ he cried till he falls asleep. Naging siya dahil sa mainit na sinag ng araw. Palubog na pala iyon kaya nawal a na ang lilim ng punong hinihigaan niya. “I have to make a house,” aniya at tumayo na. Bumuntong hininga muna siya bago tiningnan ang malawak na karagatan. Nas a gitna siya ng kawalan kaya kailangan niyang maging matatag. Bumalik siya sa loob ng gubat para kumuha ng mga kahoy at bato . Naisipan niya kanina bumuo ng malaking salitang ‘HELP. ’ Umaasa siyang mayroong mapapadaan doong eroplano at makikita iyon. Ilang sandali lamang ay nakakuha na siya ng mga gagamitin niya. Hinubad niya ang suot niyang T-shirt at isinampay muna iyon sa mababang puno saka inumpisa han ang gagawin niya. Pagkatapos ay ang sunod niyang ginawa ay naghanap ulit siya ng mga kahoy na pwede niyang gamitin para pagningasin iyon. Maggagabi na at pa lamig na nang palamig ang hangin kaya kailangan niya ng apoy. Kumuha na rin siya ng mga malalaking kahoy at mga dahon na malalapad para sa gagawin niyang bahay. He's a n architect after all. Nang makuha na niya ang mga gagamitin niya ay naghanda na siya para umpisahan magpaningas ng apoy. Kumuha siya ng dalawang may kalakihang bato at inumpisahang pagkiskisin iyon. Ilang minuto siya sa ganoo ng posisyon bago iyon tuluyang magkaroon ng apoy. Nakahinga siya ng maluwang nang makaramdam na ng init. Sunod niyang ginawa ay kinuha niya ang pahabang kahoy na nakita niya kanina at ang matalas na batong kanyang ginagamit bilang isang kutsilyo. Bahagya niyang pinakinis ang mahabang kahoy at saka pinatulis a ng dulo niyon. Ito ang magsisilbing sibat niya. Balak niya kasing manghuli ng isda bilang kanyang hapunan. Malapit nang magdapit hapon base sa kanyang hinuha dahil sa medyo nagdidilim na. Kaya naman ay sumulong na siya sa dagat upang manghuli ng isda. Hindi naman siya masyadong nahirapan dahil may alam siya sa pangingisda kahit na papano. Tinuruan siya ng kanyang mga tiyo noong doon sila nakatira sa probinsya. Matapos niyang makahuli ng limang may katamtamang laki na isda ay bumalik na siya sa kanyang pwesto

Ibinaba niya muna iyon sa may tapat ng bone fire niya. Naalala niya kanina na may nakita siyang puno roon na kagaya ng sa saging. Pwede na niya iyong gamitin bilang isang plato. Kumuha na rin siya ng maliliit na kahoy para magamit niya sa pagluto ng mga isdang nahuli niya. Pagkabalik niya ay muli siyang lumusong para sana linisan ang mga isdang kanyang nahuli. Ngunit hind i pa man niya na umpisahan ang gagawin niya ay may nakita siyang itim na bagay na palutang lutang sa di k alayuan ng pwedto niya. Dali-dali niyang inilapag sa dalampasigan ang isdang hawak niya at nilangoy iyon. Isa itong malaking bag. Pakiramdam niya ay mula ito sa barkong sinasakyan niya. Kinuha niya iyon at hinila papunta sa dalampasigan. At noong binuksan ni ya ay hindi nga siya nagkamali. Bahagya siyang napangiti dahil sa laman ng bag. May kaunting damit na sakto para sa kanya dahil mga panglalaki iyon. Mayroon ding flashlights na noong binuksan niya ay gumagana pa rin. At pinaka natuwa siya noong may nakita siyang handknife. Mas mapapadali ang paggawa niya ng bahay bukas. Mayroon ding mga toiletres na pwede niya ring magamit habang nasa isla pa siya. “Cellphone?” Napaawang ang bibig niya nang may makapa siyang pahabang gamit sa isang buls a ng bag. Kinuha niya iyon at tama siya, cellphone iyon na nakabalot sa plastic. Dali-dali niy a iyong binuksan ngunit nadismaya siya nang makita niyang wala manlang iyon masagap na signal. Ilang sandali pa siyang natulala dahil bahagya siyang nawalan ng pagasa. Akala niya makakahing i na siya ng tulong dahil sa cellphone ngunit mali siya. Maige na lang ay walang lock yung cellphone at bahagya pa itong full kaya magagamit niya pa rin kahit papaano. May mapaglilibangan pa rin siya. Inilagay niya muna ang bag na nakuha niya sa may puno at muling ginawa ang naudlot niyang paglilinis ng isda. Pagkatapos n'on ay iniluto na niya na rin iyon. Kinuha niya ang buko na pinitas niya kanina at saka binuksan iyon. Doon niya naisip ang buko na kinain ni ya kanina, kinuha niya ang bao at hinulma iyon gamit ang handknife para maging plato niya. Ang kalahati naman ay ginawa niyang kutsara. Nang matapos na lahat ng mga kailangan niya at maluto na ang hapunan niya ay nagu mpisa na siyang kumain. Hindi na masama kahit na walang lasa ang isda. Okay na iyon par a sa kanya kesa sa wala siyang makain. Pagkatapos niya ay nilinis niya ang sarili niya. Dumilim na ang langit at tanging liwanag na lang na kanyang nakikita ay nagmumula sa bonefire niya at sa sinag ng buwan. Na pasinghap siya nang makita ang napaka dilim na malawak na karagatan. Nakakatakot kung isipin dahil nasa gitna siya ng kawalan at nagiisa. Dito ay nakaramdam siya ng panlulumo at nanghihina ang katawang umupo sa mga dahong kinuha niya kanina para higaan niya. Mapalad siya ngayon n a nabuhay siya at nawawala lang sa gitna ng kawalan. “I hope you're here , Paulina. I wish that you're okay, somewhere