อ่านนิยายออนไลน์ทั้งหมดฟรีที่นี่

Partner In Crime (Tagalog)

CHAPTER 2: CHRISTOPHER RAMIREZ – ANG MAGULONG TAGAPAGMANA

sprite

CHRIS’ POV. Kasalukuyan akong nasa bar at hinihintay ang mga barkada ko. Pagkatapos kasi ng trabaho ko ay dito ako dumiretso dahil sinira na naman ng magaling kong ama ang aking mood. At isa pa mayroon get together ang barkada bago magpakasal ang isa naming tropa. Wala sa mood kong tinungga ang bote na nasa harap ko. Argh! Nakakainis talaga ang matandang yun!. * FLASHBACK *. Katatapos lamang ng meeting ko with my team here sa kompanya na pagmamay – ari din ng pamilya namin kaya naman bumalik na ako sa aking opisina. Pagpasok ko ay bumulaga sa akin ang aking ina na prenteng nakaupo sa receiving chair ko. “ Mom! “ tawag ko sa kaniya na may halong pagkabigla. Nilingon naman niya ako at saka siya ngumiti. “ Hello, son! “ bati sa akin ni Mommy. Pumunta naman ako sa pwesto niya upang hagkan ang kaniyang pisngi. “ What brought you here? “ masayang tanong ko kay Mommy pagkaupo ko sa aking swivel chair. “ Wala naman. Masama bang dalawin ang nag – iisa kong anak? “ nakangiting tanong pabalik sa akin ni Mommy. “ Oh, c’mon Mommy. I know you miss me, but I also know that you will not visit me without other motives. “ natatawa kong sagot kay Mommy na naging dahilan ng pagnguso nito. See how childish my mom is. “ Fine, may board meeting kasi mamaya about your upcoming takeover of the company. “ turan ni mommy. Hays, another stress is coming soon. “ What look is that Mr. Ramirez? “ nabigla ako ng marinig ko ang ma-awtoridad na tinig ni Dad mula sa pinto. “ You are also here. ” Malamig kong turan sa kaniya. Dad and I are not really close kaya ganiyan ko siya sagutin. “ Of course, I am still the CEO of this company, just in case you forgot. “ wika ni Dad na may madilim na aura saka naglakad papunta sa pwesto namin ni Mom. “ How can I forget? You are always the person they compare me with. “ seryosong sagot ko kay Dad kaya naman hinawakan ni Mom ang braso ko. “ Wala ka pa sa posisyon, mayabang ka na! Bakit ba kasi hindi pa ako nagkaroon ng isa pang anak?! “ naiinis na wika ni Dad kaya napangisi ako. “ Ako pa nga lang di mo na maalagaan tapos maghahangad ka pa. What a joke! “ pabalang kong sagot sa kaniya kaya naman bakas ang galit sa mukha niya. “ You! Hindi kita pinalaki ng ganiyan para sagot sagutin mo ako. “ napupuyos sa galit na sigaw sa akin ni Dad habang nakakuyom ang kaniyang mga kamao. Buti na nga lang ay sound proof ang opisina ko kaya naman walang makakarinig sa mga empleyado ng mga sigawan namin. Sa labas ng opisina ay larawan kami ng isang masaya at maimpluwensiyang pamilya. Ngunit, sa loob ng pamilya, hindi kami perpekto. Lumaki ako na wala sa tabi ko ang mga magulang ko dahil busy sila sa kanilang mga kompanya. “ Toph, tama na. Pabayaan mo na ang anak mo. “ pagsaway at pagsusumamo ni Mommy kay Dad. “ Kaya lumalaking ganiyan ang anak mo dahil pinababayaan. Baka sa huli eh makapatay na yan ng tao dahil sa ganiyan niyang ugali. “ sentimento naman ni Dad. Tumayo naman na ako sa pagkakaupo ko sa aking swivel chair saka naglakad. Huminto ako muna sa harap ni Dad saka nagsalita. “ Huwag ka mag – alala

Sa oras na makapatay ako, hinding hindi ako hihingi ng tulong sa iyo. Saka kong ayaw mo sa akin, itakwil mo na lang ako kesa nakikipagplastikan ako sa mga business partners mo para mapanatili ang reputasyon ng isang perpektong pamilya na hindi naman talaga. “ malamig kong turan sa kaniya saka siya nilagpasan. Narinig ko pa ang napupuyos sa galit niyang sigaw sa pangalan ko bag o ako lumabas ng aking opisina. Pagkasara ko ng pinto ay kailangan ko na n amang palitan ang naiinis kong mukha sa isang ngiti para sa mga empleyado. “ Cherry, ano pa schedule ko nga yong araw? “ tanong ko sa aking sekre tarya ng dumaan ako sa kaniyang desk. “ Wala na po kayong scheduled meeting ngayong araw Sir. Kailangan niyo na lang po i-check ang site for the new project para po magstart na ang gr ound breaking. “ mapang-akit na sagot sa akin ni Cherry. Tsk, how pathetic. “ Alright! Ako na lang ang pupunta, you stay here n a lang. “ sagot ko sa kaniya. Bago pa siya makapagsalita ay tinalikuran ko na siya dahil sigurado akong magpupumilit na naman siyang sumama. At pagka tapos ay haharutin na naman niya ako. I hate that type of girls. Hindi ko naman siya matanggal sa trabaho sapagkat mismo ang aking ama ang pumili sa kaniya at sigurado ako nasesermunan na naman niya ako sa oras na tanggalin ko si Cherry sa trabaho. Pagkalabas ko ng company namin ay dumiretso ako sa parking lot upang kunin ang aking sasakyan. Pagkasakay ko sa aking s asakyan ay minaneho ko na ito papunta sa project site na hinahawakan ko. Nanatili lang ako ng ilang oras doon upang masinsin an kong tingnan ang buong lote para siguraduhing hindi magkakaroon ng problema kapag naumpisahan ng itayo ang building dito. Gusto ko ding maging maayos ang project na ito upang ipakita sa magaling kong ama na karapat dapat ako maging tagapagmana niya. Hindi naman sa gusto ko talagang manahin yun g yaman nila, wala lang akong choice. Dati nung ako ay bata pa, lagi tinatanong sa akin kung magkaroon ng Pagkakataon, ano ba ang pipiliin ko? Yaman o yung pagkakataon na lumaki na ramdam ang pag – ibig at atensyon ng magalang. Lagi kong sagot noon ay pag – ibig at atensyon dahil yung dalawang bagay na ito, hindi kaylanman mabibili ng kahit anong yaman. Natigil ako sa pagmumuni – muni ng tumunog ang aking cellphone. Tiningnan ko naman kung sino ang t umatawag. Si Drew pala, barkada ko simula pagkabata. “ Bro? “ sagot ko sa pagtawag niya . ( Get together daw t ayo ng tropa bago masakal este makasal si Bryle. “ Location? “ si mpleng tanong ko haban g tumatanaw sa malayo. ( Same pla ce, same time. See you there. Hindi na niya ako hinintay na sumagot dahil pinatay na din niya ang tawag pagkatapos niyang sabihin yun. Minsan talaga ang bastos kausap ng mga kaibigan ko. Bumalik na ako sa sasakyan ko at pumunta na sa bar na pinagtatambayan namin. * E ND OF FL ASHBACK * . “ Ang seryoso mo nam an. “ rinig kong turan ni Drew na umupo sa tabi ko. “ Tsk, anong oras na? Mga lagi kayong lat e talaga. “ naiinis kong saway sa kaniya. Higi t isang oras na kasi ako naghihintay sa kanila. “ Maaga ka lang dumating, sakto nga lang pagdating ko sa oras na tinakda na tin. “ natatawang turan ni Drew sa akin. “ Tsss “ tanging nasambit k o dahil totoo naman maaga din ka si akong nakarating dito sa bar. “ Init na naman ng ulo mo. Nag – away na naman kayo ni tito no. ” sentimentong wika ni Drew. “ Huwag mo nga siyang banggitin. Umiinit lalo ang ulo ko eh. “ saway k o sa kaniya pero natawa lang ang loko. “ Hindi na bumabata si Tito

You should express yours elf more sa kaniya na hindi kayo nag -aaway. “ payo naman niya sa akin. Palibhasa ay malapit si Drew sa kaniyang ama. “ Malalim yan ah, napaaway na nama n ba sila ni Tito? “ . Sabay kaming napalingon ni Drew sa nagsalita at nakita namin ang nakangising si Bryle habang nakaakbay naman kay Rex. “ Tsk, ang taga l niyo naman. “ inis kong turan sa dalawa. “ Napakamainipin mo. Di naman namin ka salanan na maaga ka dumating. “ natatawang turan ni Rex kaya sinamaan ko ito ng tingin. “ Hep, tama na yan. Andito tayo upang magsaya . “ turan naman ni Bryle. “ Talaga bang magpapasa kal este magpapakasal ka na? “ natatawang tanong ni Drew. “ Oo naman. Ilang taon na rin naman kami ni Rose saka sabi nga huwag na nating patagalin pa kung siya na talaga. “ sentimento ni Bryle kaya sabay sabay kaming napailing tatlo. “ Ang corny mo bro. “ natata wang wika ni Rex. “ Psh, magiging ganiyan din kayo pag nahanap niyo na ang inyon g the one. “ tugon naman ni Bryle. “ Matagal p a yun. “ natatawa ng turan ni Drew. “ Tama na yang pang – aasar niyo kay Bryl e. Let’s have a toast na lang for his happines s. “ turan ko saka tinaas ang bote na hawak ko. “ Cheers! “ sabay – sa bay nilang turan saka namin itinoast ang aming mga bote. Masaya naman ang buong gabi ng pag iinuman namin han ggang sa may tumawag kay Rex. “ Hello, Attorney Rodr iguez? “ rinig kong sagot n i Rex sa tumawag sa kaniya. Nagkatinginan naman kaming tatlo nila Bryle at Drew dahil sa taong kausap ni Rex. Gabing – gabi na bakit may kausap pa siyang lawyer? Nagkibit balikat na lang kaming tatlo sapagkat wala ni isa man sa amin ang may ideya kung ano ang nagaganap. “ Bakit? Sino ang humuli? Anong m urder? “ sunod sunod na tanong ni Rex kaya napatingin kami sa kaniya. Murder? . “ Okay, papunta na kamo ako diya n. Magkita na lang tayo sa presinto. “ tugon ni Rex saka pinatay ang tawag, . “ Mga bro, kailan gan ko munang mauna sa inyo. “ paalam ni Rex. “ Ano meron sa presinto? “ t anong ni Drew, itatanong ko din s ana iyon, naunahan niya lang ako. “ Si Dad kasi hinuli ng mga p ulisya. Murder daw. “ paliwanag ni Rex na nagpalaki ng mga mata namin. “ Ano nangyari? Si Tito, di naman niya yun magagawa. “ naguguluhang tanong ni Bryle. “ I know kaya pupunt ahan ko muna siya sa pres into. Maiwan ko na kayo. Di na kami nakasagot pa kay Rex dahil pagkatapos niy ang sabihin yun ay tumakbo na siya palabas ng bar. Ano ka ya talaga ang nangyari? Ano kaya ang ginawa ni Mr. Ching? . ITUT ULOY!