อ่านนิยายออนไลน์ทั้งหมดฟรีที่นี่

Partner In Crime (Tagalog)

CHAPTER 4: INOSENTE

sprite

BELLA’S POV. “ Sir, ilang ulit ko po bang sasabihin sa inyo na inosente ako. Nabalik ako sa realidad ng muli kong marinig na magsalita si Christopher. “ Salute! “ rinig kong wika ng iba kong kasamahan sa department. Tinanguan ko na lamang ang mga ito kaya binaba na nila ang kanilang mga kamay. Lumapit ako sa kinaroroonan ng suspek at ni Ced. “ Ano nangyari dito? “ seryoso kong tanong kay Ced saka iniiwasang tingnan si Christopher kahit na ang dami kong tanong sa isipan. “ Murder. “ seryosong sagot ni Ced. “ Miss, sinabi ko na diyan sa kasama mo na inosente ako. Ayaw niya pa rin itong tanggalin. “ sambit sa akin ni Christopher saka tinaas pa ang kamay niyang may posas. “ Sir, hindi naman ho ganun kadali ang nais mo lalo na malakas ang ebidensya laban sa inyo. “ mahinahong pagpapaliwanag ko kay Christopher. “ Hindi nga ho ako ang pumatay diyan. Kagigising ko lamang ng dumating sila at hindi ko nga kilala ang babaeng yan. “ pagpapaliwanag ni Christopher sa akin. “ Wala naman kasing umaamin sa krimen. Husgado na ang magsasabi kong inosente ka o hindi. Tumayo ka na diyan ng makapunta na tayo sa presinto at makuha na namin ang statement mo. “ seryosong turan ni Ced kay Christopher. “ Ayaw ko nga. I am not a criminal, so I do not deserve to be treated this way. “ asik ni Christopher saka nagpumiglas sa dalawa kong kasamahan na humawak sa kaniya. “ Sir, kung gusto mo maging madali ang lahat sumama ka na lamang sa amin ng maayos. Ang pagmamatigas mo ay hindi makakatulong sa kaso mo. “ Mahinahon kong paliwanag sa kaniya. Mukhang napaisip naman siya sa sinabi ko dahil tinigil na niya ang pagpupumiglas. “ Bitawan niyo ako! Kaya ko maglakad mag – isa. “ mahinahong sambit ni Christopher sa aking mga kasamahan. “ Huwag niyong bitawan yan, baka tumakbo pa yan. “ utos ni Ced sa mga kasamahan namin. Tila nalilito naman ang dalawa naming kasamahan kung ano ba talaga ang gagawin nila. “ Hindi nga ho ako tatakbo. Pag nagpahawak ako sa inyo, iisipin nilang maysala talaga ako. Uulitin ko, inosente ako! “ medyo pagalit na turan ni Christopher. Mukhang napipikon na siya kay Ced. Magsasalita pa sana si Ced ngunit agad kong tinaas ang kanang kamay ko upang pahintuin na siya. “ Let him be. “ utos ko sa dalawang kasamahan namin. Tumango na lamang ang dalawa at saka sinamahan na lamang nila palabas ng crime scene si Christopher. Ibinaling ko naman ang atensyon ko kay Ced. “ Huwag ka masyadong harsh sa mga hinuhuli mo. They still have a right. “ seryoso kong turan kay Ced. “ Karapatan? Mga kriminal sila! “ rinig kong asik sa akin ni Ced. Medyo tumaas din ang boses niya kaya napatingin na ang iba naming kasamahan. “ They will still be innocent until proven guilty. “ asik kong pabalik sa kaniya. “ Nahuli sila sa akto lalo na siya. All evidences are p ointing him out as the murderer

This case is automatically close. “ naiinis na turan sa akin ni Ced kaya napailing ako. “ Ano pa ang silbi natin if kaya naman pala na magconcl ude agad. We are not here to judge them. We are here to inve stigate what really happens. “ mariin kong paliwanag kay Ced. Pilit ko ding kinakalma ang sarili ko dahil ayaw ko rin na may maging eksena sa crime scene dahil sa pagtatalo nami ng dalawa. Magsasalita pa sana si Ced ng pigilan ko na siya. “ Enough, do your job. I need all the evidenc es in my table today. Let’s see each other in the station. “ pagbibigay ko ng instruction sa kanila. “ Yes, Ma’am! “ sabay – sabay nilang turan maliban kay Ced. Hindi ko na lamang pinansin ang di pagsagot ni Ced upang di na rin humaba ang usapan naming dalawa. Lumabas na lamang ako sa c rime scene at pumunta sa may exit door upang ikalma ang sarili ko. “ Ayos ka lang? “ rini g kong tanong sa akin ni Ri ri, sinundan pala niya ako. “ Oo, maayos na man ako. “ nakangiti kong sagot kay Riri . “ Alam mo may point naman si Ced. Lahat ng ebidensya ay natuturo kay Mr. R amirez bilang murderer. “ turan ni Riri. Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi nito. Ayun sa imbestigasyon ng tea m ay si Mr. Ramirez naman talaga ang pumatay sa babae. Kung tutuusin ay dapat sarad o na ang kaso na ito ngunit may kung ano sa loob ko ang nagsasabi na inosente siya. “ We are detectives, not a judge. Let the judge do hi s job. “ paliwanag ko kay Riri . “ Ayun ba talaga ang dahilan o hindi magsink in sa utak mo na yung nagligtas kay Ryle ay isang murderer. “ komento naman ni Rir i kaya bahagya akong nagulat. Nababasa niya kaya ang nasa isip ko? . “ Hiwalay ang personal at propesy unal kong paghatol, Riri. “ Mahinahon ngunit mariin kong paliwanag sa kaniya. “ Alam ko naman yun. Ang punto ko ay intindihin m o din sana si Ced dahil sa ganoong paraan din namatay ang kaniyang ina. “ malungkot na turan ni Riri sa akin . “ Gaya nga ng sabi ko kanina, dapat hiwalay ang personal at propesyunal na pag hatol Riri. “ paliwanag ko naman sa kaniya . “ Kesyo personal o propesyunal, guilty na siya. Sa ka alam ko na higit sa aming lahat ikaw din dapat ang na kakaunawa sa nararamdaman ni Ced. “ komento muli ni Riri . “ Namatay din ang tatay ko na hindi nalaman kung sino ang pumatay sa kaniya gaya ng nangyari sa ina ni Ced pero rasyunal ako mag – isip Riri. May sinumpaan tayong tungkulin at isa sa prinsipyo ko na hahanapin natin ang totoong maysala. Hangga’t di ko narereview ang s inasabi niyong ebidensya, hindi ko pa rin siya basta bastang hahatulan. “ Mahabang paliwanag ko kay Riri habang nakatanaw ako sa bintana. “ Okay, pero wag naman sana kayo mag – away ni Ced dahil la mang dito. “ payo sa akin ni Riri . “ Sabi ko nga kanina na hiwalay ang personal at propesyunal kong p aghatol kaya wag ka mag-alala, trabaho lang yun, walang personalan. “ na kangiti kong turan kay Riri para i-assure sa kaniya na maayos ang lahat, . Hindi ko nga lang alam kung ganoon din ang pag – iisip ni Ced

Hindi na muling nagsalita si Riri kaya naman nam ayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nabasag lang ang aming katahimikan ng biglang tumunog ang aking cellp hone. Kinuha ko ito sa aking bulsa at ganoon na lamang ang pagkakunot ng aking noo ng makita kung sino ang tumatawag. “ Oh, sino ang tumatawag? “ tanong sa akin ni Riri marahil nap ansin niya ang pagkunot ng noo ko. “ Si Ry le, “ sagot ko sa kaniya. Sinenyasan ko naman siya n a sasagutin ko muna ang tawag ka ya tinanguan na lamang niya ako. “ Hello Ryl e! “ masiglang b ati ko sa kaniya . (Ate?! Totoo ba na hinuli niyo si kuyang astig? ) . Rinig kong tanong ni Ryle sa a kin mula sa kabilang linya. Paano na man niya nalaman ng ganoong kabilis. “ Paano mo nal aman? “ nagtatakang tanong ko sa kaniya. ( Kalat na kalat na sa social med ia at mga balita ang nangyari. Ate, sig urado akong hindi niya iyon magagawa. Rinig kong pagtatanggol ni Ryle kay Christopher. Ito ba ang dahilan ng pagtawag niya sa akin? . “ Ryle, hindi ikaw ang makakapagsabi niyan. Ha yaan mo na kaming lumutas ng kaso. Ang gawin mo ay mag – aral ng mabuti diyan. “ pangaral ko sa kaniya . ( Ate, di talaga ni ya iyon magagawa. Sigura do akong inosente siya. Napabuntong hininga na lamang ako sa sinasabi ni Ryle. Mukhang malaki a ng pagkakaidolo niya sa lalaking iyon. “ Ryle, mag – aral ka na diyan . Kung inosente siya, mapapatunayan ko iyon. “ pagkumbinsi ko sa kaniya . ( Ate please, ti nulungan niya ako, tu lungan mo din siya. “ Titingnan ko kung ano ang magagawa ko, Ryle. Tandaan mo, hindi ako papayag may maku long sa kasalanang di niya ginawa. Kaya ikaw mag – aral ka na diyan at magkita na lang tay o mamaya. Babalik na ako ng station. “ pagpapaalala ko sa kaniya bago ko pinatay ang tawag. Pagkapatay ko ng tawag ay s umalubong naman sa akin si Riri. Itong babaeng ito, napakamarites. “ Si Ryle yun, alam niya na ang balita. Bi g time siguro yun si Mr. Ramirez dahil nasa hea dlines na daw siya. “ pagpapaliwanag ko kay Riri . “ Hindi mo ba kilala si Mr . Ramirez? “ takang tanong sa ak in ni Riri na inilingan ko lang. “ Ano?! Siya ang tagapagmana n g pinakamayamang pamilya sa bansa. “ manghang paliwanag sa akin ni Riri . “ Ah, kaya pala ang dam ing reporter kanina. “ tangi ng komento ko sa sinabi niya. “ Hindi ka man lang nam angha sa sinabi ko? “ nalolo kang tanong sa akin ni Riri. “ Hindi, suspek siya. Ayun lan g ang detalyeng dapat kong malaman. “ turan ko sa kaniya saka tumalikod. “ Tara na, pumunta na tayo ng station at tapusin ang kasong ito. “ pagyaya ko s a kaniya saka ako lumakad palabas ng hotel. ITUT ULOY!