The Lady Gangster's Mission For The Prince
Chapter 7 Back To Stalwart Castle

Sa sandali na naka-uwi na si Adira sa kanyang bahay ay nag-empake na rin siya agad ng mga damit at mga ilang gamit katulad ng panloob na kasuotan at dalawang gloves, lagi rin siyang may suot na itim na gloves sa tuwing may misyon siya, hindi niya lang naisuot sa misyon kay Mr. Torres dahil hindi bagay sa suot niya at ang pinaka-mahalaga sa lahat ang dalawang wooden stick niya, kaya maging ito ay nakalagay sa loob ng malaking bag. Tiningnan niya ulit kung may kulang at ng okay naman na ay lumabas ulit siya ng kwarto para kumain. Sumapit ang gabi ay maaga rin natulog si Adira at halos ilang oras lang din ang magiging tulog niya dahil madaling araw ang flight niya na kailangan pang sumakay ng taxi bago makapunta sa airport. Kinabukasan ang mag-ama na si King Stephen at Prince Dylan ay kumakain na ng kanilang almusal, ngunit si Adira ay wala pa dahil limang oras ang kailangan hintayin bago lumapag ang eroplano sa bansa nila Dylan, 4am na rin naka-alis ang eroplano sakay si Adira. Habang kumakain ay nagtanong ako sa aking amang hari. "Ama alam kong paulit-ulit na ako, pero ano pa ang ibang dahilan kung bakit ang babae na 'yon ang napili mo para turuan akong humawak ng espada at makipaglaban?". Bumuntong-hininga naman ito at pinunasan ang gilid ng labi gamit ang itim na maliit na tela. "Dahil hindi ka niya kilala. Napakunot ang noo ko. "Ano naman ang diperensya kung hindi niya ako kilala?". "Hindi siya takot kung ano ang gusto niyang gawin, pag ang taong kilala ka na ang kinuha ko ay baka mas lalong wala kang matutunan dahil matatakot silang saktan ka o pagsalitaan ng hindi maganda. Napansin mo naman siguro kung paano makipag-usap sayo si Adira 'di ba. Kahit ikaw pa ang prinsipe ng bansa natin ay wala siyang paki-alam kahit maaari siyang parusahan sa paraan niya ng pagka-usap sayo, pero hindi naman maaaring parusahan siya dahil hindi ka naman niya lubos na kilala at hindi naman ako galit sa kung ano ang pinapakita niya sayo. Hindi naman ako makapaniwalang tumingin kay ama. "Kung ganon hahayaan niyong pagsalitaan ako ng hindi maganda ng masungit na babae na iyon, baka mamaya ay sa halip na matuto ako ay puno ng pasa ang makuha ng katawan ko dahil hindi siya takot na maparusahan sa ginawa niya sa akin. "Ano pa ang silbi ng pagtuturo niya kung hindi ka man lang masusugatan o makakaramdam ng pagod sa katawan, at isa pa kaya ka nga niya tuturuan para lumaban ka pabalik. "Pero ama. Seryoso itong tumingin sa akin. "Sa konting sugat o pasa na makukuha mo mula sa kanya ay takot ka, paano na lang kung digmaan na ang kaharapin mo? Hindi mo ba naisip na mas malaki ang idudulot sayo noon dahil maaaring hindi lang sugat ang makuha mo maging ang buhay mo na rin. " Napatahimik naman ako sa seryosong mga salita ni ama. "Ngayon pa lang ay kailangan mo ng malaman ang mga nangyayari o mangyayari dahil ikaw ang papalit sa akin, hindi puwede na ang isang hari ay duwag dahil sa oras na nagpakita ka ng kahinaan sa kalaban ay gagawin nila itong alas para matalo ka. Sa oras na lumabas ka ng palasyo at humarap sa magaganap na digmaan ay hindi ka na puwedeng bumalik sa loob. "Ano ang ibig sabihin ng hindi na ako puwedeng bumalik ama?". "May dalawang pagpipilian, maaari ka muling makabalik sa loob ng palasyo kung kayo ang nanalo o—iuuwi ang iyong katawan na wala ng buhay. " Napatigil si King Stephen sa sinabi niya at naalala ang mga sulat na natatanggap niya. "Kaya hangga't maaari aking anak maging matapang ka para sa akin at sa Stalwart Castle. " At mapapansin rin sa maliit na pagngiti nito ay ang lungkot sa kanyang mga mata. Napatango na lang ako at napa-isip sa mga sinabi ng aking ama. Natapos ang almusal nila King Stephen ay hindi pa rin dumarating si Adira, si Prince Dylan naman ay bumalik sa kanyang kwarto dahil wala naman siyang anumang gagawin sa araw na 'yon. Nagbasa na lamang siya ng libro para pawiin ang kanyang pagka-inip at sa ilang minuto lang na pagbabasa ay nakatulog ito sa isang mahabang sofa habang hawak niya ang libro na nakapatong sa kanyang dibdib. Samantala si Adira ay na sa airport na, pero napansin niya s Heneral Agustin na hinihintay na siya. Hindi naman ito nakasuot ng pang kawal kaya parang isang ordinaryong tao lang ito na hinihintay siya. Lumapit ako sa kanya at bumati. "Maligayang pagbabalik muli binibini. " Nakangiti pa ito habang sinasabi 'yon. "Halika na ng tayo ay mabilis na makarating sa palasyo. " Tumango lang ako at sinundan siya. Dalawang oras lang ang biyahe nila mula sa airport at nasa harap na sila agad ng palasyo. Bumaba ako sa sasakyan at kinuha ang mga gamit ko, pero may isang katulong na kinuha ang mga dala ko, kukuhanin na sana nito ang isa pang plastic ngunit tumanggi na akong kuhanin niya ito. "Nasaan ang prinsipe?" tanong ko kaagad kay Heneral Agustin habang papasok kami sa loob ng palasyo. "Nasa kanyang kwarto. "Puwede ba akong pu munta doon?" . Napatigil sa paglalakad a ng heneral. "Ano naman ang gag awin mo sa kwarto ng prinsipe?"
"May kailangan lang ako ng ibigay sa kanya. " Itinaas ko pa ang plastic na dala ko. "Kung hindi abala ang prinsipe o may ginawa siya ay puwede kang pumunta sa kwarto niya, pe ro kailangan mo muna na tumawag sa labas ng pinto at hayaan ka niyang pumasok sa loob ng kwarto niya. Hindi na kita puwedeng samahan doon dahil kailangan kong sabihin sa hari na narito ka na. Tumango ako. "Huwag ka ng mag-alala okay lang kahi t hindi mo na ako samahan. "Maiwan na kita, al am mo naman kung alin ang kwarto ni Prince Dylan?" . "Oo nakita ko n a bago ako umalis noo ng nakaraan na araw. "Okay sige, maiwan na kita. " Bahagya pang yumuk o ang ulo niya bago umalis. Ako naman ay diretso na sa tapat ng pintuan ng kwarto ng prinsipe. "Mahal na prinsipe, puwede bang pumasok?" Malakas kong sigaw sa tapat ng pinto, pero wala pa ring nagsasal ita mula sa loob na puwede na akong pumasok. Inulit ko ulit ang sinabi ko, pero wala talagang nagsalita, kaya sinubukan ko ng pihitin ang seradura ng pinto at hindi naman ako nab igo dahil hindi naman ito naka-lock. Napansin ko rin na halos lahat ng pintuan ng kwarto sa palasyo na 'to ay hindi naka-lock, pero hindi rin basta-basta puwedeng pumasok kaagad. Dahan-dahan kong tinutulak ang pintuan, pero sa gawing higaan ang una kong nakita at wala doon ang prinsipe. Sumilip ako sa pag itan ng pintuan at napansin ko si Prince Dylan sa isang mahabang sofa na nakahiga at may hawak na libro. "Wala siyang ginawa ngayon, kaya meron siyang oras para magbasa?" mahina kong saad. Tuluyan na akong pumasok sa loob dala-dala ang plastic na may laman na damit. Nilibot ko ang mata ko sa buong kwarto at hindi rin nalalayo sa itsura ng kwarto kung saan ako natulog, pero ang kwarto ng prinsipe ay walang masyadong gamit sa loob hindi katulad sa kabilang kwarto. Halos kulay pula ang nakikita ko mula sa kurtina hanggang sa kumot at unan nito. May isang shelf na puno ng libro sa isang gilid at isang maliit na lamesa sa tabi ng sofa kung saan nakahiga ngayon si Dylan. Lumapit ako at tumigil sa tabi ng sofa kung saan nakahiga si Dylan habang pinagmamasdan itong matulog. Napakunot ang n oo ko. "Ganito ba talaga ang mga maharlika, wala man lang kahit anong pores kahit ang mga labi ay mapupula?" Habang nakatiti g ako sa mukha ng prinsipe ay napansin kong gumalaw na ang talukap ng mata nito habang nakapikit hudyat na nagising na siya. Unti-unting minulat ni Prince Dylan ang mat a at saktong si Adira ang nakita niya, kaya ngay on ay walang umiwas o kumurap sa kanilang dalawa. Sa isip ni Dylan. "Han ggang sa panaginip nandito pa rin itong babae na 'to?" . Tumaas ang kilay ni Adira habang nakatitig siya sa akin, pero unti-unting namumulat ng malaki ang mata ko ng lu mapit na ito habang nakahiga ako. Ngayon ay isang dangkal na lang ang layo ng kanilang mukha. Napalunok ako sa hindi malamang dahilan, pero biglang sumakit ang noo ko dahil pinitik pala niya at sa sobrang kaba ay hindi ko na napansin. Habang nakahawak ako sa noo ko ay galit ko siyang tiningnan. "Ara y! Sino ka para gawin 'yon sa akin!" . Humalukipkip naman siya. "Ang bilis mo namang makalimot. Halos dalawa o isang araw lang akong wala rito nakalimutan mo agad ako. Ako si Adira kung nakalimutan mo na ang pangalan ko. Napapikit ako. "Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Tandaan mo kinuha ka la ng ng aking ama para turuan ako hindi ganitong parang ikaw ang may kapangyarih an sa ating dalawa. Kaya kong utusan ang mga kawal ng palasyo para dakpin ka!" . Napansin ko na nagtakip ito ng kamay sa bibig at ilang saglit pa ay tu matawa na ito na parang wala na sa sarili. "Nababaliw ka na!" sigaw ko. Hab ang ang mga kilay kong malapit ng magsalubong sa sobrang pagka-kunot ng noo. Bigla siyang sumeryoso. "Bago ako umalis ay may inawan akong paalala sayo
Iba ang makikita mo ngayon na ugali ko dahil hindi ko na madalas ilalabas ang side k o na maaari ka pang makapagreklamo. " Pumaling ang ulo nito. "At isa pa, anumang gawin ko sayo ay wala ng paki-alam kahit sino man ang narito, ang kawal, heneral o s i King Stephen dahil sa oras na magsimula na akong turuan ka ay hindi ka na puwedeng humingi ng tulong sa iba hangga't hindi ako ang magsabi o pina-pahinto na kita. Katahimikan ang nagdaan at naramdamn ko na hindi na ito nagbibiro sa nakikita ko sa kanyang mga mata na wala ng emosyon ngayon hindi katulad ng una ko siyang nakita ng ipa kilala siya sa akin ni ama. Oo tumawa ito kanina pero hindi ibig sabihin ay masaya siya. Pumunta siya sa harap ng salamin na kita maging ako. Nakaharap ito sa salamin pero sa akin siya nakatingin. "Hindi mo magagamit ang kapangyarihan mo sa digmaan kung hindi ka marunong lumaban. Hindi ka tunay na prinsipe kung umaasa ka sa 'yong kawal at hihintayin na iligtas ka nila. Walang silbi ang pagiging prinsipe mo kung lagi mong i-dadahilan na may kawal ka naman na ipagtatanggol ka sa kalaban. Alalahanin mo, oras na hindi na kaya ng mga kawal ay ang mga lider na ang humaharap sa kalaban. ikaw 'yon Dylan at wala ng iba pa. Huwag mo rin isipin ang iyong ama dahil matanda na siya sa ganoong labanan, kaya ikaw na lang ang aasahan niya sa oras na 'yon. Napa-iwas ako ng tingin sa salamin dahil sa sobrang bigat ng sinasabi niya, pero hindi pa man nagtatagal ay may biglang nagbato ng plastic at sa mismong mukha ko pa tumama. Kunot-noong tumingin ako sa kanya at magagalit na sana, pero hindi ko na natuloy dahil sa paraan nito ng pagtingin na kung sakaling may lumabas pa na salita mula sa aking bibig ay malilintikan na talaga ako. Sa pagkakataon na 'to hindi ko talaga magagamit ang pagiging prinsipe ko hangga't narito siya sa palasyo. Binuksan ko na lang ang plastic at nakita kong may ilang damit pang-itaas ang naroon na pan g lalaki. Nagtataka ko siyang tiningnan. "Ang damit na 'yan ang susuotin mo sa tuwing may pagsas anay tayong gagawin. Saka na ang pang prinsipe mong suot pag bihasa ka na sa paghawak ng espada. Tiningnan ko muli ang mga damit at malaki ito sa suk at ng mga damit ko. "Nakapag-handa ka naman siguro habang wala ako rito? Hindi biro ang gagawin mo mas lalo na ako. Hindi ako nagsalita dahil wala naman akong ginawa kung hindi mag palipas ng oras sa loob ng kwarto dahil wala naman akong kailangan pun tahan sa ibang lugar at mukhang napansin nito na hindi ako maka-sagot. Napa-iling siya. "Sa palagay ko ay wala, pero wala na akong pa ki-alam kung hindi ka naghanda dahil sa oras na nasa labas na tayo a y hindi na tayo puwedeng huminto kahit pa duguan ka na sa harap ko. Kinabahan ako sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin hahayaan mo akong makitang nahihirapan at may dugo sa katawan at kahit pa nakikita mong may mga sugat na ako ay hindi pa rin tayo titigil sa pagsasanay?" . " Ganon n a nga. "Pero baka sa pagsasanay pa lan g ay mabawian na ako ng buhay dahil sa hindi ka man lang naawa sa akin!" . Tumitig siya sa mga mata ko at sigurado akong alam niyang may takot akong nadama sa sinabi niya. "Hindi puwedeng isama ang awa sa ganong pangy ayari dahil kung paiiralin ko 'yon ay wala kang matututunan sa akin, kahit sa digmaan kahit pa sumuko ka na ay hindi ibig sabihin na titigil na sil a dahil gagamitin nila sayo 'yon para hindi ka na muling makabangon o makasagap ng hangin sa mundong 'to. Ayaw mo naman sigurong matalo sa labanan?" . Mabagal akong tumango bilang sagot. "Matuto kang maging manhid kahit may sugat ka na sa iyong katawan, huwag mong gawing dahilan ang sugat mo para huminto at hintayin na kuhanin na lang ang buhay mo ng kalaban. Hawakan mo ng mahigpit ang iyong espada habang umaag os ang dugo sa hawakan nito dahil sa iyong kamay. Sa oras na ikaw ang manalo balewala na lang ang nakuha mong sugat sa pakikipaglaban. Tumalikod na siya sa akin at handa ng umalis. "Damit lang sana ang ibibigay ko sayo ang kaso ang dami mo pang hindi alam tungkol sa labas ng palasyo at kung paano sila kumilos. Aalis na ako, pero bukas ay kailangan na nating mag-umpisa sa pagsasanay dahil mukhang mahihirapan ako sayo. " Tuluyan na itong umalis ng hindi na lumingon sa akin. Biglang napakunot ang noo ko sa huli niyang sinabi. "Parang sinasabi niya na hindi aga d ako matututong humawak ng espada, at isa pa pumasok siya sa kwarto ko na walang pahintulo t ko. "Naningkit ang mata ko sa pinto at kinuha ang libro para ibalik muli sa lagayan nito