อ่านนิยายออนไลน์ทั้งหมดฟรีที่นี่

The Sorceress: Blossoming Power

Chapter 7 Crazy Girl, Crazy Birds

sprite

Ang Cūxīn Estate ay isa sa regalo mula sa hari para sa pag-appoint kay Lei Ming bilang bagong gobernador ng Fengfu. Ito ay isang royal estate, dati, na ipinagkaloob sa gobernador ng Fēngfù City. Isa itong malawak na lupain na may malaking palayan, mga punong namumunga, at may kasama pa itong batis. May iba't ibang villa para sa iba't ibang asawa at mga anak. Naglakad si Xinyi sa likod ni Foo na may hawak na parol para may ilaw sa kanilang dinadaanan na pasikot-sikot na pathway. Ang dating suot na mamahaling damit pangkasal ay napalitan na ng simple at ordinaryong damit na lamang. Sa kanyang kamay ay isang malaking bundle na may nakataling tela na laman ng iilan na mga personal na gamit. Kalahating oras sila naglakad bago sila nakarating sa mala-gubat na lugar ng estate ng gobernador, at sa wakas, may lumitaw na villa. Mayroon itong sariling mga pader at gate bago sila makarating sa loob ng villa. Tinulak ni Foo ang gate at nakarinig ito ng nakakatakot na tili nang bumukas. Umatras si Foo para bigyang-daan si Xinyi. Doon, nakita niya ang loob ng nagmistulang haunted house na villa. Ito ay puno ng damo, palumpong na halos kasing taas ng tao at mga basag na bricks na daan. "Ito ay katawa-tawa. " Lumingon si Xinyi para humingi ng paliwanag kay Foo kung ito ba talaga ang isinasaad ng gobernador para sa kanya ngunit nakita na lang niyang patakbong tumakas na maid. "Grrr, she scrammed before I knew it. Tumingin si Xinyi at kinuha ang patpat na nakakabit sa parol mula sa lupa. Naglakad siya papasok sa loob at pinagmasdan ang kanyang paghakbang mula sa mga sirang bricks habang itinaas ang kanyang palda. Pinipigilan niya ito upang hindi ito mahuli sa mga tuyong palumpong. Nakahinga ng maluwag si Xinyi nang marating ang paanan ng hagdan na may tatlong hakbang. Itinaas niya ang parol at nakita ang baluktot at maalikabok na tabla na may nakalagay na Anjing, na ang ibig sabihin ay tahimik. "Anjing, it lived up to the name. Ang tahimik, pero sino ba ang naninirahan dito dati para bigyan ito ng ganitong uri ng pangalan?". Umakyat siya at nakita ang mga kahoy na pintuan na nakalatag sa sahig at natatakpan ng alikabok, habang ang mga sapot ng gagamba ang pumalit sa gilid ng pinto. Isang malamig na hangin ang umihip sa kanyang mukha at ito ay nagbigay sa kanya ng goosebumps. Hinaplos niya ang mga braso para pakalmahin ang sarili. "Oh, my. Ganun ba ang galit niya sa akin? No wonder kinuha niya sa akin sina Gu Dai at Kong Hanying. " Tapos may pumasok sa isip niya. "Hmm, this is odd. Bakit kaya ako ipinadala ng tatay kong punong ministro na maging asawa ni Lei Ming habang galit ito sa kanya? Naging sakripisyo ba talaga ako kagaya ng sinabi niya kanina? Ugh, ang malas ko talaga na magkaroon ng mga magulang at asawang katulad nila. Ipinilig niya ang kanyang ulo sa pag-aakalang kung ano ang sa tingin niya ay ang tamang dahilan. "No time thinking about those unpleasant things. I need to work. " Lumingon si Xinyi para siguradong walang tao sa paligid na makakasaksi sa kanyang gagawin. Nang masigurong wala ngang tao sa paligid, ngumiti ito ng malaki. Binuksan niya ang nakatali na bundle na tela at kumuha ng kwintas na may kakaibang hugis na pendant ng jade. Ito ay kalahating bilog at magaspang na gilid sa ibabang bahagi na parang pinutol ng puwersa mula sa isang bilog. Isinuot ni Xinyi ito sa kanyang leeg at sumipol ng mabulaklak na kanta

Makalipas ang isang minuto, dumagsa ang iba't ibang uri ng ibo n patungo sa villa. Dumapo sila sa bawat lugar na kaya nilang lapagan. "Hi, birdies. I'm Xinyi, your new neighbor here. You see, I'm alone and need t o clean this place. Can you spare some time to help me?" Aniya sa boses na kumakant a na sinabayan ng isang kaaya-ayang ngiti at magiliw na mga kaway ng kanyang kamay. G ayunpa man. K atahim ikan. Napalita n ng awkward a ng ngiti niya. Ang mga ibon ay nakatitig lamang sa kanya, nagtataka kung bakit ang batang babae na ito ay nagsasalita ng kanilang wika at humihiling na tulungan siyang linisin ang sirang lugar na ito gayung alam naman nilang ito ay nasa loob ng mga estate ng bagong itinalagang gobernador. Ang ilang mga ibon ay tila masyadong inaantok at nagkakamot ng kanilang mga ulo gamit ang kanilang mga paa. Habang ang isang kuwago ay tahimik na nak atayo sa tuktok ng isang puno, pinagmamasdan ng taimtim ang taong babaeng ito. Ang ilan ay hindi makayanan na ang katahimikan at lumapit sa ibang mga ibon at nagsimulang makipag-usap sa isa't isa. "Baliw ‘ata ang babaen g ito. Paano siya nakakapagsalita ng wika natin?" sabi ng isang kalapati. "I must be crazy, too. Why can I understand this human girl's language?" sagot ng isang ibong may pulang buhok. "I don't think so. She is an intelligent and talented na tao ka ya she can speak our language. Sang-ayon ka ba mahal?" malambing na sabi ng isang babaeng ibon na nakaupo sa tabi ng isang lalaking ibon. "Tanungin kaya natin ang opinyon ng kuwago. " Itin uro ng lalaking ibon ang tuka nito sa puting kuwago. T umunog lang ang kuwago at nagbigay ng kanyang opinyon. Bumagsak ang mga balikat ni Xinyi habang nakikinig sa kanila. "Bummer. I can't even make these guys listen to me. Well, it took me d ays to make those in the valley to like me too. Maaaring ganoon din dito. Pero aabutin ‘ata ako ng isang linggo o higit pa para maayos an g lugar na ‘to if I’ll do it alone. Pero hindi na yata ako makapag-antay ng matagal. Lalo na ang lugar na matutulugan ko ngayong gabi. Yumuko si Xinyi, feeling tired sa kakaisip. Minutes after, muli siyang tumingin sa mga ibon. "Come on, guys. I 'm not crazy. You're not crazy. I can really communicate with you. I know it's sleeping time for some of you but ple ase, just help me clean a portion where I can sleep tonight. Please," sabit niya at lumuhod habang nakayuko ang ulo

Bahagyang umangat ang ulo ni Xinyi para sumilip, upang makita kung gumana ba ang kanyang pagsusumamo. At nakita niya ang kuwago na lumipad pababa, palapit sa kanya. Bumuka ang bibi g ng kuwago at narinig ni Xinyi ang isang malalim na boses, "Ikaw ay isang walang galang na nilalang. Ba’t mo kami ginising sa hatinggabi para gawin ang iyong bilin? No wonder ayaw sa i yo ang gobernador at inilipat ka dito. Kung hindi lang dahil sa presensya ng Sorceress sayo, hindi talaga ako lalapit dito. " Tinapos ng kuwago ang kanyang pagsasalita sa isang harrumph. Nakarinig si Xinyi ng mga bulungan mula sa likuran ng kuwago. 'Hmm, nakita ako roon ng pesky old owl na ito at hi ndi niya maintindihan ang pinag-uusapan namin at hinusgahan ako. Well, hindi ko naman siya masisisi. Isa lang siyang i bon. Ngunit sa ngayon, kailangan kong kumbinsihin siya na tulungan ako dahil ang ibang mga ibon ay makikinig sa kanya. "Sir owl, pasensya na pero hindi ko gagawin ‘to kung ‘di kinuha ng asawa ko ang mga katulong ko," paumanhin ni Xinyi. "Doon ka sa mga foxes at iba pang mga nilalang na humiling na maglinis para sa iyo. " Sa talang iyon, ibinuka ng ku wago ang kanyang mga pakpak at lumipad. Sumunod naman ang iba. May iilan lang ang naiwan. Ito ay naghihintay at umaasa na may dramatic scene na mangyayari. At hindi kay Xinyi kundi sa matandang kuwago. Isip nila, magbabago ang isipan nito. "Aya! I can't ask them. Hindi pa nila ako kilala. Baka aatakihin nila ako at masaktan ko lang sila. Ayokong manak it ng hayop. " Sumigaw siya at sinusubukang pigilan ang mga ito sa pag-alis, ngunit ang kanyang mga salita ay napunta s a mga binging tenga. "This is horrible. Kung alam ko lang na mangyari ‘to, ‘di na sana ako nagpasalamat kay Lei Ming. Tinadyakan ni Xinyi ang pinto, venting her anger sa maruming kahoy. Hindi niya maiwasang maawa sa sarili. Kalaunan naisip niya, "ay naku, walang kwenta ang magtampo. Tatakas na lan g kaya ako ngayon habang walang nakakakita sa akin? Pero puyat na talaga ako. Wa la na akong lakas para tumakas ngayon. Dapat matulog muna ako’t magplano bukas. Tumayo siya at kinuha ang isang bahagi ng pinto. Pinunasan niya i to gamit ang isang tela mula sa bundle niya ngunit lumala ang sitwasyon . Lumutang ang mga alikabok sa buong silid na sanhi ng kanyang pag-ubo. Habang umuubo siya at abala sa pagtakip ng kanyang bibig at ilong gamit ang kamay, may nar inig siyang tunog ng mga pakpak na lumilipad. Sumulyap siya kung saan nanggaling ang tunog at n gumiti ito ng napakalaki dahil bumalik ang mga ibon. At ito ay pinangunahan ng matandang kuwago