อ่านนิยายออนไลน์ทั้งหมดฟรีที่นี่

The Sorceress: Blossoming Power

Chapter 2 Imperial decree

sprite

Labing-apat na taon matapos mamatay si Xian Ai. Sa mansyon ng pamilya Xian sa Fengfu City, sa madaling araw, ang mga katulong ay abala sa pakikipaglaban sa isang magandang babae na natatakot na isawsaw ang hubad na katawan sa bathtub na puno ng mainit na tubig at mga petals ng rosas. “Ahh! Noo! Ang iniiiit. Ayoko ng maligo? Pwedeng magbihis na lang kaagad?" tanong ng dalaga. Natatakot siyang mapaso sa umuusok na tubig. Mahigpit ang mga na humawak sa pinto na parang nakasalalay ang buhay niya dito, habang hinila siya ng dalawang babae sa braso at hinawakan rin ng isa pa ang bewang nito. Nang lumuwag ang pagkakahawak niya sa pinto, mabilis siyang itinulak ng tatlo sa loob ng tub na siyang dahilan na napasigaw siya nang tumama ang mataas na temperatura ng tubig sa kanyang balat, dala sa pag-splash ng tubig sa paligid ng napakalaking balde. Kahit papaano, makalipas ang isang minuto, matatagalan na ng kanyang katawan ang temperatura at guminhawa siya ng malalim. Sumandal siya sa dingding ng tub para mag-relax pero bigla niyang naramdaman na may telang kinukoskos sa braso niya. Kaagad, galit na kinagat ng dalaga ang may-ari ng kamay ng walang pag-aalinlangan. Malakas na sumigaw ang kawawang katulong, “Ahh! My lady, please, huwag mo kaming pahirapan,” dala hablot ang kinagat na kamay. Umalingawngaw ang boses nito sa tahimik na mansyon habang nagtatago pa rin ang araw sa likod ng mga bundok. Sumagot si Xian Xinyi, "Don’t touch me. " Sabay hila ng tela at pinunasan ang sarili. “I can do this on my own. Kahit na anong ingay sa loob ng banyo, ang sambahayan ay hindi nag-abala na pumunta sa silid ng bride. Sila ay punong-puno ng buhay, nagbubulungan sa pananabik sa importanteng kasal sa araw na ito. Pinuno nila ang bawat sulok at poste ng mga haligi ng bahay ng kulay pula na mga parol, kurtina, at mga bulaklak na papel. Pagkalipas ng dalawang oras, isang karwahe ng kasal ang dumaan sa Ren’ Ailu, ang pangunahing kalye ng Fengfu City. Ang panganay na anak na babae ni Xian Lang ay nagsuot ng tradisyonal na mataas na pulang tela sa ulo na tinakpan ang kanyang tuwid at makinis na itim na buhok habang siya ay nakasuot ng pulang tradisyonal na damit pangkasal. Mapayapa siyang naupo sa loob ng fully curtained bridal carriage kung saan walang makakakita sa kanya at wala rin siyang makikita na kahit ano sa labas. —- o —-

Isang buwan an g nakalipas bago na ngyari ang kasalan… . Habang ang buwan ay tumataas sa kalangitan at ang araw ay tumatago na sa ilalim ng dagat, may ingay sa loob ng kwarto ng punong ministro ng bansang Youshi, si Xian Lang. Siya ngayon ay may dalawang malalaking anak sa kanyang pangalawang asawa na namatay na rin dahil sa sakit. Ang gabi ng tahimik ay nabulabog sa umalingawngaw na iyak ng isang batang babae, ngunit pakiramdam ni Xian Lang ay wala siyang lakas para patahimikin ito. Lumuhod si Xian Changying sa harap ng kanyang ama habang tumtuulo ang kanyang mga luha sa kany ang cheongsam. "Papa, please, please, hayaan mo akong pakasalan ang taong mahal ko. " Inararo niya a ng kanyang mukha sa damit ng kanyang ama na nakatingin sa kanyang itim na mga mata na puno ng luha. Kumunot ang noo ni Xian Lang habang tinitingnan ang kaawa-awang kalagayan ng kanyang anak at sinabing, "Patawad. Wala talaga akong magagawa para matulungan ka. Kung hindi natin susundi n ang imperial edict, lahat tayo ay matatawag na mga taksil at mamatay nang walang karangalan. Ang panganay na anak na si Lord Xian Shi ay lumuhod na rin, “Pa! Matindi ang galit ni Lei Ming sayo. Papatayin ni ya ang aking kapatid na babae. Dapat mo siyang protektahan!" . Ang taong ibinanggit na si Lei Ming ay isang topnotcher sa Civil Exam at ang bagong appointed Gobernador sa Fen gfu City. Pinaghihinalaan niya na si Prime Minister Xian Lang ang nag-advice sa unang prinsipe na ipadala siya sa ma tagal ng nakalimutang backwater na lungsod ng Fengfu. At doon nagsimula ang alitan ng dalawang angkan na Xian at Lei. Nakiusap uli si Changying sa kanyang ama. “Papa, pakiusap, mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa maging kabiyak ni Lei Ming. Tiyak na sasaktan lang niya ako at ipapadala sa isang maagang libingan. Inilagay ni Changying ang kanyang noo sa harap ng mga paa ng kanyang ama habang hu mihikbi at sinabing, "Papa, iligtas mo ako. Hinila ng ama ang kanyang anak sa sahig at sinabing, "Ikaw ay isang noble na babae, huwag na huwag ng mauulit pa na lumuhod ka sa sahig. Gayunpaman, sumagot ang kanyang anak na babae, “Bakit? Anong sil bi ng pagiging isang noblewoman kung ito ang siyang dahilan ng aking kamatayan? Gusto mo bang mawala na ang nag-iisang mong anak na babae?"

Nang marinig ni Lady Xian Rong, ang nakababatang kapatid na babae ng Prime Minister, ang mga salitang ‘nag-iisang anak na babae’, napabuntong-hininga ito. Hinarap ni Rong ang kanyang kapatid at sinabing, “Kuya, maling anak ang ipinadala mo. Hindi lang siya ang anak mong babae. Umitim ang mukha ni Xian Lang nang maalala n iya ang kanyang unang anak na babae. "Ang tinutuk oy mo ba ay yung . nakatira sa Forsaken Valley?" . Huminga ng malalim si Lady Rong at sinabing, "Ipinahayag ng Imperial decree na unang anak na babae ng Xian clan. Ito ay walang iba kundi si Xinyi. Mahal na kapati d, pwede mo bang hilingin sa mahal na hari na baguhin ang pangalan na nakalagay dito? Hindi naman tayo nagsisinungaling. Nagsasabi lang tayo ng totoo. " Sinabi ni Lady X ian Rong kung anong nasa isip niya. Hindi rin siya naniniwala na sasaktan ng sikat na iskolar na si Lei Ming si Xinyi dahil sa hindi pagkakaunawaan ng dalawang pamilya. "Kung personal kong haharapin ang hari, magagalit lamang ito sa akin dahil si Changying ang nabanggit ko sa kanya. Pero may ibang paraan. Hihilingin ko sa unang prinsipe na makipag- usap sa hari tungkol sa pagbabago. Mahal na mahal at pinagkakatiwalaan ng hari ang unang prinsipe; Malaki ang posibilidad na aprubahan niya ito ng walang karagdagang tanong. Kung tutuusi n, hindi maaalala ng hari ang bawat anak ng mga opisyal na kanyang ipinakasal sa pamamagitan ng imperial decree," sabi ni Xian Lang dala hinga ng malalim dahil tumahimik na si Changying. Sa totoo, lumiwanag na ang dating masalimuot na mukha ni Changying. Bagama't bihira niyang marinig ang tungkol sa kapatid na ito, nagpapasalamat siya sa pagligtas sa kanya sa pagiging bride ng kaaway na lalaki. Sa hindi malinaw na dahilan, walang nagsasalita tungkol sa nakatatandang kapatid na babae sa sambahayan na ito, na tangin g ang kanyang ama at tiyahin lamang ang nakakaalam. Bagama't naaawa siya at gusto niyang makilala ang kapus-palad na kapatid, mas handa niyang ialay ito sa pamilyang Lei. “Wala akong malinaw na relasyon sa Xinyi na i to kaya okay lang,” sabi sa sarili pero nararamdam an pa rin niya na tinutusok ang kanyang konsensya