อ่านนิยายออนไลน์ทั้งหมดฟรีที่นี่

The Sorceress: Blossoming Power

Chapter 3: Matandang lalaki

sprite

Sa araw ng kasal. Si Xian Xinyi ay nakaupong mag-isa sa loob ng karwahe, nababalisa. Hindi dahil ipinakasal siya ng kanyang hindi maintindihan na ama na hindi man lang nagpakita matapos ng maraming taong paghihiwalay, kundi dahil gusto niyang sumilip sa labas ng karwahe at tingnan ang lalaking pakakasalan niya. Ngunit bago pa man niya buksan ang kurtina, may narinig na siyang boses na binalaan siya na huwag gawin iyon. “Nakakainis. Ba’t niya alam na gagawin ko ‘to? May mata siya sa giliran?” Dala sandal sa gilid ng karhawe, nananlangin na sana bubukas ang kurtina ng kusa kahit konti lang. Subalit di ito nangyari na kinainis niya lalo. Bukod doon, ang isang bagay na nais niyang makita ay ang lungsod at ang mga taong nakatayo sa kalye. Gayunpaman, ayon sa tradisyon, mahigpit ipinagbabawal ng mga nakakatanda na sumilip ang bride dahil baka makakita ng mga bad omen tulad ng isang itim na pusa. Kay Xinyi, ang kasal na ito ay isang joke lamang, pero nagpapasalamat pa rin siya dahil ito ay nagpalaya sa kanya mula sa lugar na iyon. Maaaring nami-miss niya ang kanyang mga kaibigang hayop ngunit ang makakasama at makasalamuha niya magmula ngayon ay ang mga tao, di na mga hayop. Ito ay matagal na niyang pinangarap na mangyari, dahil ang kanyang yaya, na isang matandang babae na nagngangalang Yan Ma na minahal siya na parang tunay na anak, ang tanging taong kasama niya doon sa Forsaken Valley. May dumating din naman na isa pang matandang babae pagkaraan ng ilang taon, ang tutor niya, pero di rin ito nagtagal doon. Ipinikit niya ang mga mata at binalikan ang nakaraan. Labing-apat na nakaraan pagkatapos namatay ang mama niya. Noong araw. lumabas ang kanyang kapangyarihan. Naging dahilan upang putulin ng kanyang pamilya ang lahat ng ugnayan sa kanya hanggang sa kailangan nilang ibalik siya para sa isang imperial decree na kasal. Ang magical power niyang angkin ay hindi naman masama ngunit ang mga taong may ganoong supernatural na kakayahan ay bihira lamang, kaya iisipin ng karamihan na siya ay baliw o sinapian ng demonyo. Gayunpaman, para sa isang opisyal na may isang anak na may ganoong kakayahan ay mapanganib. Mapaminsala ito sa posisyon ng ama bilang punong ministro at pwedeng gamitin ito ng mga kaaway laban sa kanya. Maaaring ikonekta ng mga kaaway ang kakayahan ng bata at ikalat ang tsismis na ginamit ng punong ministro ang anak para makuha ang posisyon

Kaya naman naisip niya na ipinadala siya sa malayong lugar, para sa ikabubuti ng lahat. Umiyak siya sa mga naunang mga araw matapos ang p aghihiwalay at nakatulog lamang ito matapos ng ilang oras na pag-iyak. Gayunpaman, nang tumanda na siya ay tanggap na niya ang katotohanan, na di siya mahal ng ama. Mula noon ay masaya na si Xinyi sa buhay niya sa Forsaken Valley sa kabila ng pangungulila na mangyayari paminsan-minsan. Ngayon ay ninanamnam niya ang bagong buhay dito sa Fengfu o sa halip, isang bagong pakik ipagsapalaran ang haharapin niya kasama nitong si Lei Ming, o kung sino man siya. Inaasahan n iya na ang lalaking ito ay hindi isang taong sapat na gulang katulad ng kanyang ama. Sana nga. Saka niya napagtanto ang sin abi sa kanya ng yaya tungkol sa g agawin ng mag-asawa sa unang gabi. "Naku, hindi pa nga ako handa nito. Hindi pa nga ako naiinlove eh. Wala pa nga akong nakilala na kahit na isang lalaki sa tanang buhay ko. " Nasabi niya ito dahil kahit na dito sa Fengfu, wala ni isang katulong na lalaki na nakikita niya sa loob ng mansyon. Pinaypayan niya ang sarili gamit ang kanya ng mga kamay. "Huwag kang mag-panic, huwag kang mag-panic, Xinyi. Malalampasan mo ito. Pero siguraduhin mong hindi magagalit ang asawa mo sa unang gabi. Gayunpaman, gusto pa rin niyang umiyak. “Anong gagawin ko? Sapat na ba ako sa kanya? At ano n ga yung sinabi ni Yan Ma?" Ipinatong niya ang kanyang baba sa kanyang kamay at nag-iisip. Si Yan Ma ay isang matandang dalaga. Ang tanging payo nito ay tungkol sa gagawin ng mag-asawa sa unang gabi. “Huhubaran niya ako at makikita ang hubad kong katawan? Ahh, ano ba yan?” Kabado at n ahihiya siya na isipin ito pero. may pagnanais rin na nadarama

"Wahhh, kakaiba ako. " Nak okonsensya siya sa pag-iisip na para bang inaabangan niya ito nang may matinding pananabik. Buti na lang pinaliguan siyang mabuti ng mga kasambahay sa isang batya na puno ng mainit na tubig at mga petals ng mga rosas. Inilapat niya ang ilong sa balat ng kamay at pumikit ang mata na may ngiti sa m ukha. "Ah, ang bango ko. Amoy rosas," papuri niya sa sarili at sa mga katulong na pinahirapan niya kanina. Gayunpaman, hindi niya kayang mag hubo't hubad sa harap ng isang lalaki. "Na walang damit at smooch sa buong gabi? Wahhh. Ano ba 'yang nakakalokang bagay na 'yan?" Nasa dilemma si Xinyi. Napagtanto niyang hindi p a niya naibibigay ang kanyang unang halik. Sa katunayan, hindi siya marunong humalik sa labi ng isang lalaki. “Mababaliw na ako. Anong gagawin ko? Oh, sana hindi ako maging disappointment. " Muli niyang pinay payan ang sarili, sinusubukan pawiin ang pananabik. Pagkatapos ay huminto ang karwahe, at narinig niyang may sumipa sa dingding ng karwahe ng tatlong bes es ngunit walang nagbukas ng kurtina para tulungan siya. Naghintay siya. naghintay. ngunit. sa wakas , may nag-angat ng kurtina at nagbukas ng palad para hawakan niya. Pero… kamay iyon ng isang matandang tao. Napabuntong hininga si X inyi sa takot. Talaga bang ik inasal siya sa isang matanda?