The Sorceress: Blossoming Power
Chapter 4 Hinahalikan ang mga Kulubot na Labi

Nanginginig si Xinyi habang iniisip ang posibleng edad ng may-ari ng kamay na umabot sa kanya. Naalala niya ang babaeng katulong, si Gu Dai, na pumunta sa Forsaken Valley noong isang buwan. May dala siyang sulat mula sa kanyang ama. [Dear Xinyi,. Sana ay nasa mabuting kalagayan ka ngayon. Nami-miss ka namin ngunit umuunlad ang negosyo, kaya hindi kami pwedeng umalis para bisitahin ka. Sana hindi ka na galit sa akin hanggang ngayon. Nasa marriageable age na rin ang kapatid mo at pagkatapos ng pagkamatay ng pangalawang Mama mo, ako na mismo ang namamahala dito. Huwag kang mag-alala tungkol sa iyong kasal. Hindi ka namin nakalimutan kahit na hiwalay ka sa amin. Ang babaeng ito na si Gu Dai ay iyong sariling katulong magmula ngayon. Magpapadala pa kami ng isa pa pagkatapos mong makapasok sa bahay ni Lei Ming, ang asawa mo, ang bagong gobernador ng Fengfu City. Ang hari ay nagpadala ng isang utos na ikakasal ka sa gobernador na ito. Aalis ka dyan kasama si Gu Dai at si Yan Ma ay babalik sa capital. Huwag kang magdala ng iba pang gamit. Ngunit tandaan, huwag mong ipakita ang iyong kapangyarihan sa iba, kahit na sa iyong asawa. Nanganganib ang buhay mo at maituring kang sinapian ng demonyo. Ang buhay mo at ang buhay natin ay nakasalalay sa iyo. Nais kong maging masaya ka sa iyong kasal. Masaya kami para sa iyo na magiging asawa ka sa isang iginagalang na lalaki. Nawa'y magkaroon ka ng maunlad na kapalaran at mabuhay ng masaya habambuhay. Ang Iyong Ama,. Xian Lang]. Minsan, binasa ni Xinyi ang sulat at dumura siya sa kalapit na damo. Gusto niyang magsabi ng higit pa o hanapin ang pinakamagandang paglalarawan na masasabi niya tungkol sa liham, ngunit ang tanging salita na pumasok sa isipan niya ay, "Trash. ‘Talaga bang nami-miss niya ako at masaya siya para sa akin? Ano ba itong napakaikling sulat matapos ang fourteen years na di nagkita?’ Itinuring niya ang liham na pawang isang summon ng Prime Minister ng bansa. Pagkatapos ng lahat, wala siyang makitang anumang tandang pagmamahal katulad ng pagmamahal ng isang mapagmahal na magulang sa mga salita sa liham na ito. Alam ni Xinyi na ang pagtamo ng pagmamahal mula sa kanyang ama ay di mangyayari. Huminga siya ng malalim at naalala niya ang mga salitang sinabi ni Yan Ma, "Ang ibig sabihin ng pangalan mo ay puso, isip, at kaluluwa na nagkakasundo o may kagalakan
Mamuhay ka ayon sa kahulugan ng iyong pangalan at lahat ng swerte ay papasok sa iyong pintuan. Tumingin si Xinyi sa taas at huminga ng malalim habang iniisip, "Mas mainam n a mabuhay na wala na ang mga taong iyon. PERO, sa nakikita nitong kamay na inalok sa kanya ngayon, hindi niya maiwasang maawa sa sarili. Ito a y walang iba kundi isang kalunos-lunos na laro ng kanyang ama. Bakit siya ipinanganak sa ganitong uri ng pa milya? Kung kaya niya, mas pipiliin niyang maging anak ng magsasaka kaysa maging anak ng mataas na opisyal. “Pinabalik pa nila si Yan Ma para hindi matuklasan ang aking kapangyarihan. Napakamabuting ama mo talaga. Maghintay ka, aagawin ko ang servant contract na iyon a t kukunin ko si Yan Ma uli. No wonder pinauwi nila ako. Matandang geezer pala itong gobernador na ito. Kung siya ay isang gwapong binata, hindi sila mangangahas na pap auwiin ako at ipapakasal ang aking kapatid ng walang pagdalawang isip,” sabi sa loob niya dahil ayaw niyang marinig ng nag abot na kamay na nasa labas lang ng karwahe. Napakunot-noo si Xinyi na parang may pumipilit sa kanya na kumain ng napakapait na gamot habang nakatitig sa mahina at gusot na balat na kamay. Hindi alam kung anong gagawin habang nakatutok ang m ga mata sa nanginginig na palad. Ibibigay ba niya ang kanyang kamay o lalabas siya ng kusa na lamang? . 'Siya ba ay animnapu o pitumpung taong gulang? O baka isang hakbang ang layo sa kan yang kamatayan at humiling ng isang batang asawa? No way. ’ Kung pwede, itatapon niya ang belo sa ulo upang makita ang daan dahil gustung-gusto niyang maglakad ng mag-isa ngayon. Sa labas ng karwahe, ang kawawang matandang ito ay walang iba kundi ang tagapag-alaga ng gobernador na itinulak niyang gawin ang gawain par a sa kanya habang siya ay naglalakad patungo sa loob ng kanyang mansyon. Nanginginig ang matanda dahil wala siyang ideya kung ano ang gagawin sa bagay na ito. Maging ang bride sa loob ay h indi inabot ang kanyang kamay. Tumingin siya sa paligid at nakita niya ang isang lalaking attendant na si Kong Hanying at ang batang babae na si Gu Dai na ipinadala sa kanila kahapon mula sa bahay ng Xian para sa unang ginang ng bahay na ito. Habang si Xinyi ay nag dedebate sa kanyang sarili, binawi ng matanda ang kanyang kamay at sinabihan niya ang dalawa na palitan siya sa kanyang pwesto. Kaya, inialok ni Gu Dai ang kanyang kamay at nakita ito ni Xinyi. Laking tuwa nito na hinawakan ang kamay ng katulong na parang isang tagapagligtas ng buhay. Lumabas siya at nakita ang maraming pares ng mga paa na nakatayo sa gili d ng kalsada. Sa kaliwa niya ay ang mga paa ng lalaking alipin. Nasa kanan ni ya ang babaeng si Gu Dai na humawak sa kanyang kamay sa lahat ng oras na ito. Pagkatapos ay naalala ni Xinyi ang mga kwento ng mga kasalan sa mga libro at iniisip kung anong baha gi ng seremonya ng kasal ang sunod na gagawin? Ito ba ay ang tatlong yuko? Ang mag-asawa ay yuyuko sa lan git, sa mga magulang (na hindi nakapikit ang mata), at sa mga tao. O baka direkta sa isang wedding party? . "Saan tayo pupunta? A no pa ba ang kailangan kon g gawin?” tanong ni Xinyi
"Ah, sa totoo lang, nagpasya si Lord Lei Ming na i-skip ang iba pang mga ritwal, at pumayag si Lord Xian Lang para hindi ka ma stress. Kaya, dumiretso na tayo sa kwarto mo at kailangan mo lang m aghintay sa loob. Mamaya, ikaw ay makikipagpalitan ng inumin kay Lord Lei Ming at wala nang iba pa. Tumango si Xinyi, pinahahalagahan niya ang p aliwanag at impormasyon ngunit pinag-iisipan ang kakaibang kasunduan ng kanyang ama sa gobernador. ‘Dahil ba matanda na ang gobernador at kailangang m agpahinga ng maaga? Ano pa ang nasa buhay ko? Higit sa l ahat, ano ang gagawin ko bilang asawa ng isang matanda?’ . Matapos siyang ihatid sa kanyan g silid, lumabo ang kanyang mukha hab ang nakaupo sa isang pulang silk bed. Muling ipinaalala sa kanya ng magandang silk bed na ito ang sinabi ni Yan Ma na magaganap sa gabi ng bagong kasal, "Huba d na katawan at smooching. " Hindi niya napigilan ang sarili na isipin ang posibilidad na masaksihan ang kulubot na kamay ng is ang matanda na maghuhubad sa kanya at kalaunan ito ay hubo't hubad rin sa kanyang harapan. Anong hitsura kaya ng katawan niya? . “AHH! Hindi, ayokong makakita ng hubad na kulot na katawan sa harap ko. " Tinanggal niya ang belo at lumanta d ang makinis niyang mukha na kumikinang sa pawis. Kahit na anong ganda niya sa araw na ‘to, di siya masaya. Sa totoo, naaawa siya sa sarili. Nalaglag sa frustration ang malalaking magagandang mata na may mahabang pilikmata. Ang nakarehistro sa kanyang isipan ay ang mga guhit sa isa sa mga aklat na hatid sa kanya ng isang maka pangyarihang lola na kanyang kaibigan noon sa gubat. Ang larawan ng isang matanda na may tungkod sa kanyang kamay at ang itaas na bahagi ay hubad. Doon ay makita na payat, kulubot ang mukha, at ang balat ay nanunuyo. Pagkatapos ay naalala niya ang susunod na mga mangyayari mamaya . Iyon ay ang smooching. “Wahhh! Noooo. Hinahalikan ang mga kulubot na labi sa isang nakasubsob na mukha na may malalim na mata. Noooo!” . Gusto niyang tumakas, ngunit kailangan niyang isaalang-alang ang kanyang mga katulong. Maaari sil ang madamay sa pagpapabaya niya. For sure, hindi niya kayang kaladkarin ang mga ito sa kahirapan. Hind i patas sa kanilang sumusunod lang sa utos ng amo na tumakas na parang mga takas. Ano ang gagawin niya?